Luis, happy sa pinupuring pagganap ni Edu bilang Bise Presidente

jimi escala

By: Jimi C. Escala

luis manzano

HAPPY ang TV host na si Luis Manzano dahil sa feedback na nakarating sa kanya hinggil ama niyang beteranong aktor at TV host na si Edu Manzano. Ayon pa kay Luis ay ibang level daw ang pagiging aktor ng ama niya, huh!

Pinag-uusapan kasi ang ginampanang papel ngayon ni Edu sa numero unong seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Puring-puri kasi si Edu ng lahat na sumusubaybay sa nasabing primetime series ng ABS-CBN 2 na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Kumbaga, ang papel ni Edu sa nabanggit na serye ay hindi basta bastang ordinaryong role na ayon pa kay Luis ay pakiramdam daw niya ay ngayon pa lang nagawa ng ama niya ang, huh!

Edu Manzano

Siyempre, pinapanood daw talaga ni Luis ang nasabing serye at marami raw nga sa mga kaibigan niya ang nagsasabing napakahusay daw talaga ng ama niya at kakaiba raw ang ginawang pag-atake sa ginampanang role nito bilang Bise Presidente ng Pilipinas.
Ayon pa rin naman kay Luis ay natutuwa rin daw naman siya dahil pareho silang nasa isang istasyon ngayon ng ama.

Wish ba niyang makasama ang ama sa isang project?
“Oo naman. Sino ba namang aayaw sa isang Edu Manzano?,” natatawang balik tanong pa niya.

Sa totoo lang naman, marami sa mga nakausap namin ang nagsasabing tama ang desisyon ni Edu na lisanin ang pagiging co-host ni Eugene Domingo sa Celebrity Bluff ng GMA 7.

Samantala, although ayaw pang kumpirmahin ni Luis Manzano, may nakarating sa amin na almost sure na raw ang pagpasok ng TV host sa pulitika, huh!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s