Pinoy films, tampok sa 21st Shanghai International Film Festival

nonie nicasio
Ni: Nonie V. Nicasio

LIMANG pelikulang Filipino ang makikipagkompitensya at ipapalabas sa 21st Shanghai International Film Festival (SIFF) sa China simula Hunyo 16, 2018. Ang SIFF ay isa sa pinakamalaking festivals sa Asya na itinanghal na rin ang mga Filipino films. Noong 2017, ang pinakamataas na award na kanilang naibigay sa Filipinas ay ang Golden Goblet, na iginawad sa Pauwi Na ni Paolo Villaluna.

Sa taong ito, dalawang pelikula ang makikipagkompitensya sa Asian New Talent – ang Respeto at Nervous Translation. Ang mga pelikulang ito ay nakakuha ng mga nominasyon sa mga sumusunod na kategorya: Best Cinematographer para kina Dennese Victoria, Jippy Pascua ng Nervous Translation; Best Scriptwriter para kay Shireen Seno ng Nervous Tranlation, Best Director para kay Treb Monteras II ng Respeto; Best Actor para kay Abra ng Respeto; at Best Actress para kay Jana Agoncillo ng Nervous Translation.

Sa Panorama Section, ang Smaller and Smaller Circles ni Raya Martin at I’m Drunk, I Love You ni JP Habac ang ipapalabas. Si Raya Martin ay miyembro din ng Jury para sa Asian New Talent ngayong taon.

NEOMANILA

Kabilang naman sa mga tampok na pelikula ang Neomanila ni Mikhail Red sa The Belt and Road Film Week.

“It’s always thrilling to learn that these films continue to go around the world as proudly showcased in international film festivals. We wish our Filipino films the best of luck in SIFF,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO na si Liza Diño.

Si Chairperson Diño mismo ay makikilahok sa SIFF bilang speaker sa High Level Forum on the Cultural and Economic Importance of Film and the Role of Copyright na hosted ng World IP Organization sa Hunyo 19-20. Samantala, ang QCinema Festival Director na si Ed Lejano naman ay magiging bahagi ng The Belt and Road Summit upang talakayin ang pagpapabuti ng kooperasyon sa pamamagitan ng festival programming.

Ang 21st Shanghai International Film Festival sa China ay tatakbo hanggang Hunyo 25, 2018.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s