Aktor na si Gerald Madrid, nagtapos sa kursong Business Administration; May planong sumabak sa mundo ng business

throy Catan

Ni: Throy Catan

MARAMING celebrities ang nagtapos ngayon sa pag-aaral. Isa na rito sina Valerie Concepcion na nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Psychology sa Arellano University, at si Jolo Revilla sa kursong Bachelor of Arts Major in Legal Studies sa Lyceum of the Philippines.

Kamakailan, Junyo 19, nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Customs Administration ang beteranong aktor na si Gerald Madrid. Nag-aral siya sa Emilio Aguinaldo College (EAC) sa Paco, Manila.

Gerald Madrid

Natupad na rin sa wakas ang pangarap niyang magtapos sa kolehiyo,  “I’m happy because it’s a dream come true but also because my parents really wanted me to finish college,” sabi ni Gerald.

Plano rin ni Gerald na pumasok sa larangan ng business gamit ang natutunan niya sa kolehiyo, “I chose the course so that I can use it in my plan to put up a brokerage business.” Dikta niya.

Kilala si Gerald Madrid sa pagganap niya bilang si Allan sa pelikulang The Road kasama ang Pambansang Bae na si Alden Richards at idinerek ni Yam Laranas. Nagsimula ang kanyang career sa pag-arte noong late 90’s, at isa sa mga naging pelikula niya ay ang Gatilyo, at ang pelikula ni Lav Diaz na Burger Boy’s.

Gerald Madrid graduate

Lumalabas din siya sa mga sikat na shows ng Kapuso at Kapamilya shows katulad ng Tabing IlogNasaan ka, Elisa?, Spirits, Wansapanataym, Magpakailanman, at marami pang iba.

Ngayon, mapapanood niyo siya bilang si David sa The Stepdaughters, at Lito sa The Cure sa Kapuso Network.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s