Andrew Gan, aktibo sa TV at pelikula

Ni: Nonie V. Nicasio

Patuloy ang magandang takbo ng showbiz career ng Kapuso actor na si Andrew Gan. Sa ngayon, matapos maging bahagi ng Super Ma’am na pinagbidahan ni Marian Rivera, napapanood naman si Andrew sa Kambal Karibal na tinatampukan nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza, at iba pa.

Inusisa namin siya ukol sa seryeng ito ng GMA-7. “Ang papel ko po rito ay si Danton, isang private investi­gator siya ni Sunshine (Dizon). Pinaglalaban niya kasi na makuha iyong anak niya from Carmina Villaroel. So parang semi-kontrabida kami rito, eh. Pero hindi pa malinaw tito,” saad ni Andrew.

Nabanggit din ng actor na sobrang saya niya nang napasali sa seryeng ito. “Sobrang blessed tito, kasi sa rami ng mga artista, sa akin naibigay. It’s from God, Kaya happy ako, sobrang napakabait pa ng pro­duction.

“Sa character ko, happy naman ako, kasi parang kumokontrabida siya pero mabait hehe! Sa cast, okay naman puro baby girl pa sila eh, hindi tulad ng Super Ma’am madami ako ka-buddy-buddy. Nandiyan sila Kevin Santos, Jerald Napoles and Kristoffer Martin.”

Andrew Gan3

Ano ang masasabi mo sa inyong director dito? “Sa director namin, si Direk Don Michael Perez, may free will kaming mga actors niya. Nakakapag-experiment ako ng attack ng lines ko. Which is maganda. Mabait siya and open sa suggestions.
Mahusay at maganda ang mga shots.”

Samantala, mapapanood din si Andrew sa peliku­lang White Knight, tampok dito sina Mon Confiado, Lovely Abella, Leo Martinez, ang Hollywood actor na si Lev Gorn, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ng American director na si Gregory Segal.

Nabanggit ni Andrew ang role sa naturang pelikula. “Ako po si Tito Vasquez sa movie, ka-team ko rito sina Kuya Mon and Tita Mosang. Pulis po kami rito, pero kami ‘yung magka-buddy talaga ni Kuya Mon. Ang genre po ng movie ay action, drama, sus­pense-thriller. Ang producer po nito ay mga American din at mayroon ding isang local producer.”

Ano ang masasabi mo sa inyong American director? “Actually, first time ko pong magtrabaho sa isang foreign director, medyo mabusisi siya pero in a way na gusto niya, small lang ‘yung acting. In a way, gusto niya na mas more on plain lang ‘yung facial expression, pero dapat ramdam pa rin iyong emotions.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s