Matt Evans at Andi Eigenmann, tampok sa The Maid in London

nonie nicasio
NI:  Nonie V. Nicasio

TAMPOK sina Andi Eigenmann at Matt Evans sa pelikulang The Maid in London ni Direk Danni Ugali na gumaganap na mag-asawa ang dalawa. Sa dating teleseryeng The Greatest Love na pinagbidahan ni Ms. Sylvia Sanchez ay magkapatid sina Matt at Andi kaya inusisa namin ang actor kung nagkailangan ba sila ni Andi sa kanilang love scene rito?

Esplika ni Matt, “Actually, tawa kami nang tawa noong una. Kasi, parang hindi namin alam noong umpisa kung paano ie-execute. So, buti na lang si Direk Danni nasa tabi namin.

“Mabuti at hindi rin ganoon karami iyong ilaw… tapos ay iyon nga, na kami-kami lang. Naitawid naman po namin talaga… sa umpisa talaga ay hindi maiaalis iyong ilangan. Pero since siyempre ay napaka-professional talaga ni Andi Eigenmann at napakagaling, kaya na-pull thru rin namin talaga iyong eksena,” paliwanag pa ng actor na napapanood ngayon sa The Cure ng GMA-7.

Matt, Tmil

Ano ang masasabi niya sa pelikula at ano ang role niya rito? “Ito ay isang pelikula na punong-puno ng pangarap at pag-asa. Sobrang lapit sa reyalidad ng pelikulang ito.

“Ako po rito si Ben Santiago. Ako po ang gumanap na asawa ni Margo na pinagbidahan ni Andi,” pahayag pa ni Matt na endorser ng BeauteDerm na pag-aari ng CEO nitong si Ms. Rei Tan na sponsor sa presscon ng naturang pelikula.

Ang pelikula ay tumatalakay sa mga TNT o Tago ng Tago sa London at isa nga rito si Margo (Andi), isang mapagmahal na anak na handang gawin ang lahat para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay. Napilitan siyang magtrabaho sa abroad, matapos ang kanyang mga pangarap sa buhay ay mawasak ng lalaking kanyang minamahal.

Mapapanood na ang The Maid in London sa July 4. Ito’y sa screenplay ni Direk Danni at base sa librong Tago ng Tago ni BL Panganiban. Tampok din dito sina Polo Ravales, Janice Jurado, Joshua de Guzman, Alexis Navarro, at iba pa. Ang pelikula ay mula sa Cinemanila.UK at Viva Films.

Ang producers ay sina BL Panganiban, Beth Rees, Steve Rees, Mark O’driscoll, Nhing O’driscoll, at Danni Ugali

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s