VR Relosa, ang bagong artistang dapat abangan

throy Catan
Ni: Throy Catan

Bago pa lang sa industrya ng pagmomodelo, nagkaroon na ng sponsorship ang 19 year old na model/host na si VR Relosa. Isa siya sa mga modelong nabigyan ng sponsorship ng isang kilalang dental clinic na Dental First  at Aficionado Perfume Nagpasalamat ang binata sa biyayang binigay sa kanya ng Dental First at Aficionado “Thank you Dental First, Inc. for taking care of my teeth! “. “Nagpapasalamat din po ako kay sir Joel Cruz sa Aficionado dahil sa tiwala binigay niya sa akin.” Bungad ni VR.

Nakausap namin si VR Reloso kasama ang kanyang manager na si Roi Diego. Natanong namin siya tungkol sa kanyang career sa showbiz, “Ngayon po ay sa theater po. Marami po akong plays before na lead role.” sabi ni VR

“Meron din po akong role sa isang short film pero, for now, hindi po muna puwede sabihin ang title. Baka next week na po i-announce.” Dugtong niya.

Binahagi rin niya sa amin ang mga paborito niyang celebrities na naging inspirasyon niya, “Iniidolo ko po si Robi Domingo as a host. Gusto ko siya mag-host kasi hinsi siya formal iyung datingan pero maganda siya magprisenta. Idol ko rin po sa hosting si Toni Gonzaga.

36654117_1380246605441714_5827604170596679680_n

“Sa aktor si John Lloyd [Cruz]. Sa aktress po si Bea Alonzo. Gusto ko sila kasi gusto ko ang heavy drama. Tapos po sila ang mga magagaling na artista.” Tugon pa niya.

Ano ba ang dream role ni VR? “Siguro po iyung tipong baliw. Iyung tipong parang may kulang sa iyo tapos may gusto kang iparating sa kanila. Mas challenging po kasi iyun.” Sabi niya.

Speaking of acting, bakit gusto niya sumabak sa showbiz bilang isang artista? “First love ko talaga since elementary. Grade 2 po ako noong nagsimula po akong umarte. Iyun po. Passion ko po talaga siya.”

After 5 years “Ako po? Siguro po nasa mainstream na po. Nasa movie na po. Kapag sa hosting naman, siguro sa mga malalaking events naman, like sa Resorts World o sa bigating shows or concerts.”

Nagkomento rin siya kung may mag-o-offer sa kanya na sexy roles sa pelikula, “Depende po. Kung maganda naman po ang kuwento ng pelikula at malaking production naman, papayag po ako.” Deklara pa niya.

Kasalukuyang nag-aaral bilang first year college student sa Polytechnic University of the Philippines sa kurong Marketing. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagmomodelo, pag-arte, at pagho-host sa malls.

 

Advertisements

One thought on “VR Relosa, ang bagong artistang dapat abangan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s