Mayor Herbert Bautista, may bagong biography book

throy Catan
By: Throy Catan

herbert_bautista

NITONG nakaraan Biyernes, Hulyo 6, inanunsyo ni Quezon Ciy Mayor Herbert “Bistek” Bautista ang kanyang biography book na pinamagatang “Bistek @ 50: LIFE IN FULL COLOR The Herbert Bautista Biography”.

Ang nasabing biography book ay tungkol sa makulay na buhay ni Mayor Bistek mula noong bata pa siya hanggang sa pagiging aktibo niya sa paglilingkod sa kanyang mga constituent ng Quezon City.

Ibinahagi rin sa libro noong naging child actor ng Flordeluna, naging sikat na teenage actor sa Bagets, at ang pagiging isa sa mga nirerespetadong aktor ngayon. Ikinuwento rin ang mga naging proyekto niya bilang isang parte ng Kabataang Barangay, at pagiging public servant niya for 33 years.

Sa book launch, diretso na sinagot ni Mayor Bistek ang mga katanungan mula sa entertainment press. Hindi maiwasan itanong kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Kris Aquino, “It’s a special bond e, alam mo yun na hindi kayo mag-girlfriend, boyfriend. Hindi din kayo barkada lang, special e. Kaya nga ang sinabi ko mutual respect at mataas na uri ng pagkakaibigan,” Bungad niya.

“Yeah sabi ko nga, ‘maraming, maraming salamat sa kanya [Kris Aquino].’ Dahil yung panahon na ibinigay namin sa isa’t isa e marami kaming natutunan and naging moral booster siya sa akin, moral booster ako sa kanya and anchored yun sa isang mutual respect,” Duktong pa niya.

Nagpapasalamat naman ang entertainment press sa suporta ni Mayor Bistek sa taunang pa-birthday treat niya sa amin.

Para sa karagdagang impormation tungkol sa bagong libro ni Mayor Herbert, bisitahin ang Quezon City Local Government Facebook page.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s