ABS-CBN “Just Love Araw-Araw” roadshow pinasaya ang mga overseas Filipinos sa Hong Kong at Taiwan

throy Catan

Ni: Throy Catan

Bukod sa pagdiriwang ng ika-120 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, binigyang-pugay din ng ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) ang mga overseas Filipinos via “Just Love Araw Araw” entertainment caravan kasama ang mga Kapamilya artists na sina Bela PadillaRonnie AlonteNegi, at Lassy Marquez noong June 10 sa Chater Road sa Hong Kong at sa Metropolitan Park sa Taiwan.

thumbnail

Unang inilunsad noong Abril sa Pilipinas ng pinakamalaki at nangungunang Filipino-owned media at entertainment company na ABS-CBN ang “Just Love Araw-Araw” campaign, na layuning hikayatin ang bawat Pilipino na magpakalat ng pag-ibig sa anumang paraan sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Kaya naman bilang bahagi ng pagpapakalat ng pag-ibig, dinala ito ng TFC sa labas ng bansa sa pamamagitan ng “Just Love Araw-Araw” TFC Hour, at sa pagkakataong ito upang ipagdiwang hindi lamang ang Philippine Independence Day, kung hindi maging ang mga overseas Filipinos.

Matapos matunghayan ang makulay na parada at nakakamanghang mga pagtatanghal ng mga tradisyunal na Philippine festival dances saKapangyawan Festival na ginanap sa Chater Road, Central sa Hong Kong, umindayog at humalakhak naman ang mga masisipag na mga Pilipino sa Hong Kong kasama sina Alonte at Marquez.

traditional

Mainit ang naging pagtanggap kay Alonte, lalo pa nang awitin niya ang mga popular na awitin na “What Do You Mean” ni Justine Beiber at “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” ng “It’s Showtime” hurado Rey Valera.

Lalo pa itong naramdaman ng Kapamilya young actor-performer nang lapitan niya ang mga manonood at pinagbigyan ang hiling ng ilan na makapagpakuha ng selfie kasama siya.

Sinubok naman ni Marquez ang tatlong dalaga na nais mahirang na leading lady ni Alonte. Nagpasiklab ang tatlong dalaga sa pag-awit, pagsayaw, at pag-arte hanggang sa huli ang hinirang na nagwagi ay si Mecha Flores na bukod sa premyong “Just Love Araw-Araw” shirt ay nakakuha rin ng halik at akap mula kay Alonte.

Ilang masusuwerteng new at current TFC online subscribers din ang nabigyan ng pagkakataon na makakuha ng passes para sa isang photo opportunity kasama sina Alonte at Marquez pagkatapos ng programa.

Samantala sa kabilang bahagi naman ng Asya, nakisaya naman ang mga pinagpipitagang mga kababayan sa tripleng selebrasyon ngPhilippine Independence Day, Migrant Workers’ Day at 3rd FILCOM Friendship Fun Run na ginanap sa New Taipei City Metropolitan Park (Xingfu Shuiyang Park) Sanchong District sa New Taipei City.

Naging mainit ang pagtanggap sa mga Kapamilya talents na sina Padilla at Negi, kahit pa nagbabadya ang masamang panahon. Kaya naman ang “Meet Me in St. Gallen” star na si Padilla, hindi niya napigilan ang sariling lapitan ang mga manonood habang nagpe-perform.

negi

Sinubok naman ni Negi ang tatlong binatang nais na makuha ang puso ni Padilla. Nag-alay sila  ng mga awitin sa aktres, pinakita ang talento sa pagsayaw, at nakipagbatuhan pa ng hugot lines sa kaniya. Sa huli, ang nagwagi ay ang kalahok na kilala sa pangalang JC.

Pagkatapos ng programa, ilang manonood ang nakasama nina Padilla at Negi, matapos makakuha ng photo opportunity passes mula sa TFC. Kanila lamang pinakita sa TFC booth ng araw na iyon ang TFC online premium prepaid cards na kanilang binili sa participating EEC stores.

image022

Ang ilan naman ay nakakuha ng “Just Love Araw-Araw” shirt matapos ipakita sa TFC booth ng araw na iyon ang kanilang binili na TFC online LITE prepaid card mula sa participating EEC stores.

Ang inihandang mga pagtatanghal at sorpresa ng TFC sa Taiwan ay tinatayang pinakamalaking pagtitipon ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Gayundin, ang mga pagtitipon na ito ay hindi lamang upang ipagdiwang ang ika-120 anibersaryo ng Kalayaan ng PIlipinas, dahil nagsilbi rin itong pagkilala sa mga overseas Filipinos na nagsasakripisyo sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya.

Para sa updates tungkol sa upcoming TFC events, bisitahin ang facebook.com/TFCHongKong, facebook.com/TFCTaiwan1 or ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s