Nikko Natividad, bida na sa pelikulang Bakwit Boys

nonie nicasio
Ni: Nonie V. Nicasio

Ipinahayag ni Nikko Natividad ang labis na kasiyahan sa mga project na dumarating sa kanya ngayon. Sa pelikula kasing Bakwit Boys na isinulat at pinamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana, level-up na si Nikko dahil bida na siya rito.

Ang pelikula ay isa sa entry sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 na mapapanood mula August 15-21 sa lahat ng sinehan, nationwide.

Aminado siyang hilaw pa bilang actor at kahit na lagi siyang nakikitang nagko-comedy, dito raw ay seryoso siya. At umaasa si Nikko na hindi madi-disappoint ang moviegoers sa mapapanood nila sa naturang pelikula.

Pahayag ng Kapamilya aktor, “Masaya po, sabi ko nga first time kong maging bida-na may takot ako siyempre na baka hindi tangkilikin ng mga tao… Pero ganoon pa man, umaasa ako na tatangkilikin ng publiko ang pelikulang Filipino.

Nikko N new2

“Makikita nila rito sa pelikula na ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko dahil first major movie ko ito, eh,” pakli pa niya na idinagdag pang naniniwala siya na ang bawat artista ay lalong nag-i-improve sa bawat pelikulang kanilang ginagawa.

Nabanggit pa ng ng actor/dancer/TV host na isang challenge sa kanya ang pelikulang ito. “Na-challenge ako kasi di ba sabi ko ang forte ko ay comedy, hosting… Dito kasi seryoso eh, hindi siya comedy, drama talaga. So, pinakamahirap na nagawa kong trabaho ito,” nakangiting saad pa niya.

Bukod kay Nikko, tampok din sa pelikula sina Ryle Santiago, Vance Larena, Mackie Empuerto, at Devon Seron. Ang pelikula ay under ng T-Rex Entertainment.

Si Nikko ay napapanood din sa It’s Showtime at Umagang Kay Ganda, plus Fudgee Bar na ipalalabas sa Facebook at sa YouTube.

Incidentally, ang kompletong entries sa PPP 2018 ng FDCP na pinamumunuan ng masipag na chairperson at CEO nitong si Ms. Liza Diño ay ang mga sumusunod: Ang Babaeng Allergic sa WiFi ni Direk Jun Lana, Signal Rock by Chito Roño, The Day After Valentine‘s by Jason Paul Laxamana, Bakwit Boys by Jason Paul Laxamana, We Will Not Die Tonight by Richard Somes, Pinay Beauty by Jay Abello, Unli Life by Miko Livelo, at Madilim ang Gabi ni Adolf Alix Jr.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s