Kikay Mikay, endorsers na rin ng Erase!

nonie nicasio
Ni: Nonie V. Nicasio

Patuloy sa paghataw ang dalawang talented na bagets na sina Kikay Mikay. Bukod kasi sa mga TV shows at pelikula, kabilang sa bagong projects ng tinaguriang The Cutest Duo ang bagong endorsements ng Erase whitening lotion for kids at Erase scent perfume for kids, pati na ang H&H Makeover Salon.

Kaya sobra-sobra ang kagalakan nina Kikay Mikay sa kanilang bagong endorsements at labis ang pasasalamat nila sa CEO/President ng Erase na si Mr. Louie Gamboa, pati na kay Ms. Yveth Padua.

“Siyempre po sobrang thankful po kami kay Sir Louie dahil binigyan kami ng opportunity na maging endorser ng products nila,” pahayag ni Mikay

Wika naman ni Kikay, “Super-saya ko po at nagpapasalamat ako kay God, kay Sir Louie at sa Erase po. Tamang-tama po ito sa mga girls, lalo na at start na ng pasukan.”

Ipinaliwanag naman ni Mr. Louie ang rason ng pagkuha sa dalawang bagets.

“Hindi naman kaila sa inyo na parang adbokasiya na namin ang tumulong sa mga nagsisimula, lalo na sa mga bata. Kinuha namin sina Kikay and Mikay dahil naniniwala kami sa talento nilang dalawa. Ang Erase kasi mahilig tumulong sa mga baguhan, ‘pag lumapit sa amin at alam naman namin na worth it na tulungan, ginagawa naming ambassador like Kikay and Mikay. Pero hindi lahat ng lumalapit kinukuha namin, mayroon din kaming tinatanggihan. Siyempre ire-research muna namin yung artist.

“Nakita ko naman na nang kinuha namin sila, magaling sila at nakita ko ang potentials nila. Ang mga batang ito hindi lang sila magaganda, uso-usong ang itsura nila, parang K-Pop. And I believe na kung maaalagaan nang husto, mabibigyan ng tamang direksiyon, madidisiplina, palagay ko ay malayo ang mararating ng mga batang ito.”

Ayon naman kay Ms. Yveth, “Katulad ng sinabi ni Sir Louie kanina na talagang we’re supporting ang mga talented na kabataan, so, may programs kaming nakalatag for them. Sa coming days may campaign kami for their particular products, may mga tarpaulin… Kung may mga events sila like sa school, puwede silang mag-request sa amin ng support dahil dala nila ang pangalan namin.”

Bukod sa Erase at H&H Makeover Salon, kinuha rin silang endorsers ng Skin Light Baby Soap at Famous Belgian Waffle. Mapapanood din sila Bee Happy Go Lucky, sa Ppop /Internet Heartthrobs Tour sa July 22 sa Shopalooza Bazaar, Riverbanks Marikina at sa August 10 naman, sa UP Theater ang premiere night ng movie nilang Unang Yugto ni direk Moises Lapid. Abangan din sina Kikay Mikay sa pelikulang Susi ni direk Baui Arthur.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s