Dinky Doo, Claire, at Tori: Abangan sila sa bagong pelikula, “My Dad! I Hate Drugs”

throy Catan
Ni: Throy Catan

KAHIT sobrang lakas ng ulan, tuloy pa rin ang storycon ng My Dad! I Hate Drugs last Tuesday, July 17th sa BEATS Avenue sa Mother Ignacia Street. Nagsama-sama ang bloggers at entertainment press para alamin kung ano ang dapat abangan sa bagong pelikula ni Dinky Doo. Kasama rin sa storycon ang leading lady na si Claire Ruiz. Pati na rin sina Alysse Montenegro, and Tori Garcia.

Ang D.A.D.: Durugin Ang Droga ay pangalawang pelikula ni Dinky Doo as a director. Ang directorial debut niya ay One Day Isang Araw, I Saw Nakakita noong 2015.

Nagkaroon kami ng pagkakataon na matanong siya tungkol sa kanyang abokasiya niya sa drugs at bakit niya ito ginagawa, “There’s a time in my life na nalulong talaga ako sa droga. Hangang isang araw, na-realize ko na ayaw ko na maging adik, at nanalangin sa Maykapal na lumayo sa bisyo na iyon. Naging calling sa akin ng Panginoon na i-share ang ang aking kuwento kaya nabuo ang DAD. Iyung Dad si God. Gusto ko mapalapit sila sa Panginoon para lumayo na sila sa kanilang bisyo.

“Ako, bilang isang dating drug user, gusto ko ipahayag sa tao na naging ganyan ako noon at sana hindi maulit sa kanila. Ipapatuloy ko ang abokasiya na ito dahil ito ang calling sa akin ni God.” Kuwento niya.

Maliban kina Dinky Doo, Claire, Alysse, at Tori; kasama rin sa pelikula sina Paul Alvatez, Renan Morales, Dianne Medina, Jenny Fajardo at marami pang iba.

Abangan ang My Dad! I Hate Drugs sa mga sinehan nationwide.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s