Josh Yape at Maricar Aragon, wagi sa Gawad Pilipino: Music and Youth Special Awards 2018

throy Catan
Ni: Throy Catan

SOBRANG saya naman ang naramdaman nina Josh Yape at Maricar Aragon nang ginawaran sila ng Gawad Pilipino: Music and Youth Special Awards 2018. Ginanap ito sa Eurotel Hotel sa North EDSA, Quezon City nung Sabado, July 21.

Todo buhos ang biyayang natatanggap nila ngayong buwan na ito. Bago pa nila natanggap ang award, nag-perform sila sa Music Box para sa very successful na concert na pinamagatang Voices of July nung July 15. Nakasama nila rito sina Ara Altamira, Eumir Jay Rader, Andy Baluyot, Eric Constantino, Nash Tillah, at Jennelyn Gagajena. Kasama rin ang ilang celebrity guest na sina Tori Garcia (La Luna Sangre, Wildflower), Anthony Rosaldo (The Clash), Mavi Lozano (Eat Bulaga’s Spogify), at Andrew Gan (Kambal Karibal).

Nakausap namin sila after ng event. Curious kami tungkol sa kanilang career. “Hindi naman po ako nababagalan [sa takbo ng aking career]. Tama lang. Kasi naniniwala po ako na meron pong right time para makamit ko po ang dream ko, at susunod lang ako kung anong plano po sa akin ni God.” Sabi ni Josh.

“So far, so good po. Paunti-unti po ay nagkakaroon po ng magandang development ang aking career. Meron na po kaming mall tour with Josh, tapos po pareho po kaming host sa Euro TV. Basta lang po i-improve lang namin ang talent namin, at maniwala lang po sa Diyos.” Deklara ni Maricar.

Sa ngayon, busy ang dalawa sa kanilang show sa EuroTV bilang hosts, at may plano silang ituloy ang kanilang mall tour after ang kanilang successful show sa Alimall.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa kanilang susunod na gig, bisitahin lang ang Facebook page nina Josh Yape at Maricar Aragon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s