Hollywood actor Osric Chau, pinuri ang kagalingan ng Filipino artists

Ni: Jo-Marie Bala

BUMISITA sa Pilipinas ang Supernatural star na si Osric Chau para sa katatapos lang na Asia Pop Comicon, isa sa pinakamalaking international comic convention sa Asya.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makita si Osric during Meet-and-Greet kasama ang kanyang Filipino fans. Magiliw na sinagot ni Osric ang mga katanungan mula sa fans.

Kinuwento ni Osric ang kagalingan ng mga Pilipino pagdating sa larangan ng pelikula, “All the movies in every film festivals in the States are always sold out… Actually, I was supposed to watch this particular Filipino film, but it was sold out!” Sabi niya.

Hindi rin maiwasan i-share ang kanyang opinion tungkol sa music scene sa Pilipinas, “All the Filipinos I’ve met are really good singers. Unfortunately, their only few good original songs. Cover songs are okay, but I hope they make songs that is uniquely Filipino. Most off the singers try to copy their western counterparts.” Deklara niya.

Ibinahagi rin niya ang bagong pelikulang Empty By Design. Makakasama sa nasabing pelikula ay sina Christopher Pang ng Crazy Rich Asians, Dante Basco na nagboses kay Prince Zuko sa animated TV series na Avatar: The Last Airbender, at ang Transit star na si Jasmine Curtis-Smith.

Ang pelikula ay tungkol sa dalawang Pilipinong bumalik sa Pilipinas pagkatapos ang matagal na pananatili sa ibang bansa. Ang pelikula ay isinulat at idederekta ni Andrea A. Walter.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pelikula, bisitahin ang Empty by Design official page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s