Alden at Maine, pinagsama ulit sa isang TV commercial at may kilig pa rin; AlDub Nation, nabuhayan

rohn romulo
Ni: Rohn Romulo

INALABAS na ng McDonald’s noong August 2 ang latest commercial nina  Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa tweet ng @McDo_PH, “May mga tambalang hinding-hindi mo makakalimutan. #AldubMcDoPaRin! Turn up the volume para mas masarap panoorin!”

Marami ang natuwa at napasaya lalo na ang mga AlDub Nation sa muling pagsasama nina Alden at Maine, na kung saan nagustuhan din ang ginamit na kanta ng Eraserheads na “Minsan”.

Kahit nga alam na natin kung ano ang nangyari sa kanilang loveteam, pero ayon sa mga nakapanood ng  video commercial ay may kilig pa rin na naiwan na kahit iba na nga lang ang intensity, kumpara noong mga nakaraan niyang TV commercial na ginawa.

Panalo ang ending ng TVC na kung saan pabirong dinaplisan ni Alden ang balikat ni Maine, at ang ganda ng reaction ng dalawa na parang nagkukulitan lang.

Pero kitang-kita na bagay na bagay talaga ang dalawa, kaya mahirap na silang paghiwalayin, at marami pa rin ang nagsasabi na after three years, buhay na buhay pa rin ang AlDub fever.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s