Liza, nilinaw na hindi sa panahon niya ang hinahabol ng ‘Commission on Audit’; thankful sa all-out support ng QC sa ‘2nd PPP’

rohn romulo
Ni: Rohn Romulo

liza dino

NILINAW na ni Chairperson and CEO Liza Dino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na sa panahon pa ni dating FDCP Chair Briccio Santos ang mga hinahabol ng Commission on Audit na mga pautang sa mga indie producer.

Totoo raw na may mga hindi nakakabayad na karamihan ay independent filmmakers.

Ayon sa kanyang pahayag, “I understand their situation so FDCP is trying to find a way on how to find solutions so these loans can be paid off but at the same time improve that particular support program para hindi na maulit ito. We actually put the program on hold since I stepped in as head of agency.

“FDCP is currently doing its research for a better design of the program based on existing film fund practices of other countries,” dugtong pa niya.

Samantala, sa pagdiriwang ng ika-100 ng Pelikulang Pilipino, malaking bahagi ang gagampanan ng lungsod ng Quezon sa ikalawanag Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa ilalim ng pamamahala ng FDCP.

Mainit ang naging pagtanggap ng QC, sa pangunguna ni Vice Mayor Joy Belmonte, sa imbistasyon ng FDCP na maging host ng iba’t-ibang selebrasyon at aktibidad ng PPP ngayong taon.

“Since the city has already shown its commiment to helping local filmmakers through the ‘QCinema International Film Festival’, PPP will be rolled out nationwide, the conferences, seminars, float parade and Grand Fans Day will be held here in the ‘City of Stars’,” sabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte.

Ang Grand Fans Day ng PPP ay gaganapin sa Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle sa ika-11 ng Agosto, na binansagang ‘Pista at the Park Grand Fans Day and All-Star Caravan’.

liza joy

Sisimulan ng isang float parade mula Amoranto papuntang Timog area, Maginhawa at QMC. May meet-and-greet ang mga artistang bida sa walong pelikula: Ang Babaeng Allergic sa Wifi, Bakwit Boys, Madilim Ang Gabi, Pinay Beauty, Signal Rock, The Day After Valentine’s, Unli Life at We Will Not Die Tonight.

Magkakaroon din ng palarong Pinoy, cultural presentations at food bazaar, libre ito para sa lahat.

Samantala, ang Opening Night ng PPP ay sa Agosto 14 na QC at magkakaroon din ng Film Industry Conference sa Agosto 17 at 18 sa Novotel Araneta Center.

Nagpapasalamat naman si Chair Liza, “with the support of Quezon City Government led by the dynamic and passionate Vice Mayor Joy Belmonte and Quezon City Film Development Commission Executive Director Ed Lejano.

“The city’s direction to be the film capital of the Philippines is on point.  Their active pursuits art certainly inspiring.”

“Let’s do this QC! #PPP2018 #PPPKakaiba #PPPxQC.”

Taong 2013 nagsimula ang QCinema International Film Festival na nagtatampok sa mga bago at batang filmmakers at sa Oktubre 21 hanggang 30 naman magaganap ang QCinema 2018.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s