Cherie, careful sa pagtataray kay Jo at aminadong may takot kay Direk Gina

rohn romulo
Ni: Rohn Romulo

Family (3)

NGAYON ang unang gabi ng Onanay na pinagbibidahan ni Jo Berry pagkatapos ng Victor Magtanggol na second week na.

First time din na magkakasama sa primetime sina Nora Aunor at Cherie Gil sa teleserye ng GMA-7.

Magkalaban ang dalawang aktres na gaganap na mag-balae at tiyak na aabangan ang kanilang mga confrontation scenes.

Ayon kay Cherie, nagka-sunud-sunod ang offer sa kanyang ng GMA-7, huli niyang ginawa ang once a week show na Sirkus, at nang i-offer sa kanya ang Onanay at nalaman niyang makakasama si Ate Guy at ang Ate Gina (Alajar) niya ang magdi-direk na kahit may takot ay tinanggap niya agad.

Cherie Gil (1)

Bongga ang kanyang role na si Helene na dating beauty queen kaya nag-post siya sa Instagram account ng, “I was never really a beauty queen in real life but sometimes, they call me ‘Queen.’”

Siya ang nanay ni Elvin (Adrian Alandy) na hindi pabor na na-in love at pinakasalan pa si Onay (Jo Berry).

Malaking challenge kay Cherie sa mga eksena nila ni Jo dahil maliit ang bagong Kapuso aktres. Careful din siya na baka masipa niya ang kaeksena sa kaliitin nito.

Limitado rin ang kanyang pagtataray sa isang ‘little people’ dahil posible i-hate siya nang husto sa bago niyang role na ginagampanan sa Onanay na sinasabing panibagong advoca-serye ng Kapuso network.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s