Winner ng Child Songbird International na si Jennelyn Gagajena, ratsada sa TV guesting

throy Catan
Ni: Throy Catan

SUNUD-SUNOD ang mga TV guesting ang batang singer na si Jennelyn Gagajena. Kamakailan lang, Agosto 8, ay nag-guest siya sa morning show na Bagong Pilipinas ng PTV 4. Kinover niya ang kantang Sundo na pinasikat ng bandang Imago. Halos pinayanig niya ang buong studio at napanganga sa kanya ang buong staff. Even ang mga host ay hanganghanga sa birit ng kanyang mga awitin.

Hindi lang ito ang una niyang TV guesting. Last week, nag-guest din siya sa Pambansang Almusal ng Net 25.

Ginulat din niya ang mga manonood nang bumirit siya sa kantang My Heart Will Go On at Malaya nung nag-perform siya sa concert na pinamagatang The Voices of July na ginanap sa Music Box sa Timog last month. Nakasama niya rito sa concert ay sina Maricar Aragon, Ara Altamira, Eumir Jay Rader, Andy Baluyot, Eric Constantino, Josh Yape, Nash Tillah, Jennelyn Gagajena, Tori Garcia (La Luna Sangre, Wildflower), Anthony Rosaldo (The Clash), Mavi Lozano (Eat Bulaga’s Spogify), at Andrew Gan (Kambal Karibal).

Ngayon, pinaghahandaan naman niya ang mall show na pinamagatang Tori Garcia: #MayPaTshirtSiAteToriParaSaMgaBata Mall Show. Ito ay mall show ni Tori Garcia na dinedicate niya para sa mga bata, at mamimigay si Ate Tori ng T-shirt sa mga bata. Ang mall show ay gaganapin sa Activity Center, Ayala Pavilion Mall sa Biñan, Laguna sa Agosto 12, Sunday.

Maliban kay Tori, makakasama rin ni Jennelyn sa mall show ay sina Josh Yape, Ara Altamira, at Lester Paul. Ito ay produksyon ng TJC Entertainment Productions at R Multimedia Events Solutions.

Si Jennelyn Gagajena ay naging 4-time winner ng Lola’s Playlist: Beat The Champion sa high-rated variety show na Eat Bulaga, two years ago.  Naging grand winner siya sa Thailand Child Songbird International na ginanap pa sa Chiang Mai, Thailand, at tinalo ang 40 contestants mula sa iba’t ibang bansa.

38658567_507144549707433_2905753127607074816_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s