Rapper and composer ‘Blanktape’, may bagong single under Lodi Records

throy Catan
Ni: Throy Catan

KAMAKAILAN lang ay ni-release ng rapper-songwriter na si Blanktape ang kanyang dalawang bagong single: Gusto Mo Loadan Kita at ‘Di Mo Lang Alam under Lodi Records.

T’yak magiging patok ang mga kanta ni Blanktape dahil sa familiar nitong beat na mala-Andrew E., at makaka-relate ang mga tao sa meaning ng kanta. Katulad ang upbeat na kantang “Gusto Mo Loadan Kita” na tungkol sa lalaking palaging binibigyan ng load ang babaeng nakilala niya sa bar kahit na may kasintahan na ang babae sa abroad.

Ang kantang “‘Di Mo Lang Alam” naman ay tungkol sa taong nagmamahal kahit na hindi alam ng kanyang crush na mahal siya.

Available ngayon sa Spotify, iTunes, at iba pang online music stores ang nasabing mga kanta.

Si Blanktape ay higit na limang taon sa music industry. Marami na siyang nagawang kanta mula sa sikat na singers ngayon. Isa sa mga kanta ay ang Aspin ni Awra Briguela na nominado ngayon sa Awit Awards as Novelty Song of the Year, Sayang ni KZ Tandingan (kasama rin sa pag-compose ay si Diorap) na nominado rin sa Awit Awards bilang Best Rap, at ang Hanggang Kailan Kaya ng BoybandPH (isa rin sa kompositor ay sina Jonathan Manalo at Jay Emerson Evangelista).

Ngayon, Si Blanktape ay Head Manager at Producer ng Lodi Records. Ang Lodi Records ay sub-label ng Star Music, at ang mga kantang pino-produce nila ay angkop sa panlasa ng masang Pilipino.

Para sa dagdag impormasyon tungkol kay Blanktape at ang Lodi Records, bisitahin ang Lodi Records official Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s