Quaderno, ang bagong bandang dapat abangan

throy Catan
Ni: Throy Catan

BAGUNG-BAGO pa ang bandang Quaderno pero nagsisimula nang magkaroon ng mga gigs. Isa na rito ang kanilang gig na may titulong, Commienzo, na gaganapin sa The District sa Dasmariñas, Cavite sa Agosto 19, 4 PM. Makakasama nila rito si Janno Lagamon, at VR Relosa.

Ang Quaderno ay binubuo ng apat na miyembro: Vinz Vhal B. Sanchez (vocalist / bassist), Jowee Sieben P. Tan (drummer), Kenn Matthew M. Gabuyo (lead guitarist), and Neil Laurence G. Jose (guitarist/songwriter). Majority ng mga kantang tinutugtog nila ay alternative rock. Nagko-cover sila ng mga kanta ng IV of Spades, Eraserheads, at iba pa.

Nagkaroon kami ng chance na makausap ang Quaderno. Ikinuwento nila kung paano sila nabuo, “Planado na ‘yung banda since 2016 pa. Nagkita si Vinz at Neil sa isang Youth for Christ conference. Doon unang tumugtog ‘yung dalawa, hanggang magplano sila gumawa ng banda.” Sabi ng kanilang manager na si Mar Soriano a.k.a Bruno Mar, segment host ng iJuander ng GMA News TV, at DJ ng BPO Radio.

“Dalawang taon na po ang lumipas, at tinuloy nina Neil at Vinz ang plano nila, hanggang imbitahin na po ni Neil ang kabanda niya, at kababata na si Kenn upang sumali sa kanilang banda.” Dugtong naman ni Jowee.

“Ika-siyam ng Hulyo po nang ito ay mabuo kasama ang aming tumatayong manager na si nanay Mar, at pangako po namin na tatapusin namin ang aming pag-aaral kasabay ang aming pangarap sa pagtugtog ng musika, at sa pagsuporta po sa OPM.” Sabi naman ni Vinz.

Hindi ko rin maiwasan tanungin kung bakit Quaderno ang pangalan ng banda nila, “Dahil kami po ay sumisimbolo sa mga mag-aaral, at sa buong kabataan na patuloy at walang tigil nagbibigay saya. Kwaderno o notebook ang importante po sa mga estudyante, at sumisimbolo ang mga pahina neto sa mga taong nakikilala, sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay nila. Quad dahil apat po kami.” Sabi ni Neil.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa bandang Quaderno at kanilang upcoming gigs, biditahin ang kanilang Facebook at Instagram page.

39234661_471371603340567_8599118606468382720_n

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s