Ahwel Paz, nagpa-medical mission para sa entertainment media

throy Catan
Ni: Throy Catan

ahwel paz

SINELEBRATE nang aming kaibigan na si Ahwel Paz ang kanyang kaarawan sa De Los Santos Medical Center last Sunday, August 19. Sinabay sa kanyang birthday celebration ang kanyang taunang medical mission na may titulong, I Love My Family Medical Mission for the Entertainment Media.

Pang-anim na taon na itong ginagawa ni Ahwel ang nasabing medical mission, dahil sa karamihan sa mga miyembro ng media ay walang insurance, HMOs, SSS at iba’t ibang benepisyo na related sa kanilang kalusugan. Dagdag pa rito ang eating habit at pagpupuyat ng mga taga-media para matapos ang kanilang trabaho bago mag-deadline.

Free lahat ang check-up katulad ng comprehensive physical examination, eye check-up mula sa IDEAL Vision, chest x-ray, ECG, ENT, dental, cardio, derma/facial, OB-Gyne, urology, at laboratory result. Namigay din ang sikat na insurance company na AXA ng free one-year accident insurance worth P100,000.

Maliban kay Ahwel Paz, lubos din nagpapasalamat ang mga taga-media sa mga doktor at nurse ng  De Los Santos Medical Center dahil very accommodating, at willing ibahagi ang kanilang nalalaman para mapa-improve namin ang aming kalusugan. Nagpapasalamat din kami kay Julius Babao sa pagbigay suporta sa amin.

Salamat sa mga supporter na sina Raul C. Pagdanganan, President at CEO ng De Los Santos Medical Center; Dr. Nilo De Los Santos, Vice President for Medical Affairs ng De Los Santos Medical Center; Dr. Jessica Dee at IDEAL Vision; Dr. Jess Solis ng Gorgeous Smile Dental Clinic; IAAS (International Academy for Aesthetic Sciences); AXA Life Insurance; at Ms. Pinky of Fernando’s Bakeshop.

39742730_2210290479204302_1667125718112272384_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s