Aktor na si Mike Magat, aktibo sa paggawa ng mga international film bilang direktor

throy Catan
Ni: Throy Catan

mike magat

Umaarangkada ang career ni Mike Magat bilang isang direktor.

Kasalukuyan shinu-shoot ang bago niyang pelikulang Turista. Ito raw yata ang pinakabonggang pelikulang ginawa niya dahil shinoot ang mga eksena sa iba’t ibang bansa katulad ng United States, South Korea, Japan, at iba pa.

Hindi pa inaanunsyo kung sinu-sino ang magiging cast sa nasabing pelikula, pero balita namin na ang magiging leading lady niya ay ang Singapore’s Sweetheart na si Tori Garcia.

Maliban sa Turista, marami na siyang nagawang pelikula na pinalabas pa sa ibang bansa katulad ng Isang Hakbang at Mga Batang Lansangan. Last year, inibitahan siya na ipalabas sa New York International Film Festival ang pelikulang Sikreto Sa Dilim.

Sikat noon si Mike Magat bilang isang sexy aktor noong 90’s. Sa ngayon, aktibo pa rin siya sa pag-arte, at naging parte siya sa iba’t ibang teleserye sa Kapamilya at Kapuso network, katulad ng Basta’t Kasama Kita, Palos, Joaquin Bordado, Eva Fonda, Tayong Dalawa, My Husband’s Lover, at Inday Will Always Love You. Kasalukuyang gumaganap bilang si Berto Sandoval sa Kapuso show na Contessa na dapat pa ring subaybayan sa nalalapit na pagtatapos.

Para sa dagdag na impormasyon, bisitahin ang official Facebook page ni Mike Magat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s