Ina ni Cherie Gil na si Rosemarie Gil, nag-ala-Lavinia Arguelles sa isang viral video

Ni: Jo-Marie Bala

rosemarie cherie gil

NATUWA ang mga netizen sa videong pinost ni Cherie Gil sa kanyang Facebook page.

Sa video, ginaya niya ang isang sikat na eksena sa pelikulang Bituin Walang Ningning kung saan sinabuyan ni Lavinia Arguelles (Cherie Gil) ng white wine si Dorina Pineda (Sharon Cuneta) pagkatapos sabihin ang iconic na linyang, “You’re nothing but a second-rate, trying hard, copycat!”.

Pero, sa video, bumaliktad ang role. Ang nag-ala-Lavina ay ang kanyang ina na si Rosemarie Gil.

Sa video spoof, sinabi ni Cherie Gil sa kanyang ina na mas mataas ang rating ng Kapuso show niyang Onanay na pinagbibidahan nina Nora Aunor at Jo Berry, kumpara sa show ni Rosemarie na Ngayon at Kailanman na pinagbibidahan naman nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Nagtaray naman si Rosemarie na parang si Lavinia, at sinabi ang sikat na linya, tapos biglang sinabuyan ng tubig kay Cherie Gil.

Marami ang natuwang netizens sa video base sa mga komento nila.

cherie-rosemarie

Mapapanood ang Onanay pagkatapos ng Victor Magtanggol sa GMA Telebabad ng GMA, at ang Ngayon at Kailanman sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s