Vince Tañada, may bagong play na “Supremo Redux”; kinuwento ang huling alaala niya kay Direk Christopher Ad Castillo

throy Catan
Ni: Throy Catan

MATAGUMPAY ang pagtatanghal ng Philippine Stagers Foundation sa kanilang bagong play na pinamagatang Supremo Redux. Ginanap ang nasabing play sa SM North EDSA, kahapon, Agosto 27, 2018.

Maraming manonood ang tumangkilik sa play, lalung-lalo na ang mga kabataan. Naging patok ang play sa mga estudyante dahil sa mga popular na mga salita ngayon katulad ng petmalu, werpa, at iba pa. Umpisa pa lang ng Supremo Redux ay todo pasabog na ang pagtatanghal ng mga artista.

Nagkaroon kami ng chance na makausap ang writer, direktor, at main actor ng Supremo Redux na si Vince Tañada. Nakwento niya ang mga blessing na natatanggap niya sa kanya career, at ang huling alaala niya sa yumaong direktor na si Christopher Ad Castillo.

Mapapanood na ang Supremo Redux nationwide sa tulong ng DepEd

Posibleng iendorso ng  Department of Education (DepEd) ang play na Supremo Redux sa mga iskuwelahan nationwide.

Ikinuwento ni Vince kung paano nakumbinsi ang representative ng DepEd na gamitin ang teatro para umangat ang kaalaman ng estudyante. “I always believe that this particular play that I did is for the kids… Hindi ko inakala na effective sa matatanda.” Sabi ni Vince.

“Na-surprise ako. Sinabi ni Usec. sa akin na, kanina lang, ‘Vince, you are catalyze for change'” Ang tinutukoy ni Vince ay si Usec. Tonisito M.C. Umali ng DepEd. “‘Kailangan siguro ng mga katulad mo sa DepEd’. You know I don’t want to delve to that. What am I trying to say is I’m so glad that the DepEd is now trying to utilize theater arts which was quite rare in our industry as a medium of education. ” Dugtong niya.

 

 

Ang alaala ni Vince kay Christopher Ad Castillo

Hindi maiwasan ni Vince na i-share ang kanyang isa sa mga huling pag-uusap ng kanyang kaibigan at ang yumaong direktor na si Christopher Ad Castillo. Naging parte si Vince sa huling pelikula ni Direk Christopher. “Ang ganda sana ng role [ko]. [Ang movie ay] parang Patayin sa Sindak si Barbara. Ako iyung pare. Ang ganda ng role. Sobra. Iyun nga lang, kinamatayan lang.” Sabi ni Vince.

Malapit na matapos ang shooting, ngunit hindi ito natapos dahil pumanaw si Direk Christopher. “May two shooting days pa ako na hindi ko na natapos. Pero nung nag-uusap sa burol, ang sinabi nila nai-e-edit na lang. Basta aayusin na lang nila sa editing iyung hindi na-shoot.” Deklara ni Vince.

 

“First time ko nakatrabaho si Christopher, but we’re very close. Parati kaming umiinom. Parati kaming magkakasama. Talagang we are very good friends.

“Iyung pumunta siya rito bago ang shoot, almost every night magkakasama kami. Tapos, noong dumating siya, ang talagang ang plano namin ay inuman lang kami sa shoot. Sabi ni Chris na ‘Vince sige na. Umarte ka na rin kasi iyung sa pare, ikaw lang talaga ang nai-isip ko. Although, when I read the script, he wrote it several years ago, matanda iyung pare, iniba niya.” Sabi ni Vince.

Para sa dagdag impormasyon at schedule tungkol sa Supremo Redux, bisitahin ang official Facebook page.

supremo redux

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s