Sharon, sobrang galante talaga, expensive bracelet ibinigay kay Vice Ganda

rohn romulo
Ni:  Rohn Romulo

ISA talaga sa pinaka-galante na artista si Megastar Sharon Cuneta dahil sa part one ng guesting niya sa Gandang Gabi Vice last Sunday, muli niya itong pinatunayan dahil ibinigay niya kay Vice Ganda ang precious bracelet na suot-suot niya.

Nagsimula ang pagbibiro ni Vice nang magha-high-five si Sharon, kung mag-a-apir ba siya o hahablutin ang mga mamahaling alahas na suot ni Mega tulad ng singsing at bracelets.

Nabanggit pa ni Vice Ganda na fake ang suot niyang bracelets, pero napansin ni Mega na totoo ang singsing ng Unkabogable Star, dahil alam niya kung true or fake.

“Pero alam mo ‘yung bayad sa hindi pa,” sabi ni Vice.

vicesharon-9318

Hanggang sa papiliin na siya ni Mega kung alin sa dalawa ang gusto, na pareho talagang maganda.

“Oh my God, sabi ko sa inyo i-guest natin siya araw-araw e,” bulalas ni Vice, na nagsabi pang natatakot siyang pumili.

“Nagtatanong lang ako kasi hindi ko nagagamit,” sabi pa ni Sharon na sobrang saya sa mga narating ni Vice pero nananatili itong humble.

Napili nga ni Vice ang mas maraming bato na bracelets, na posibleng mahigit isang milyon ang halaga.

“Kasi alam mo, nung hindi ka pa sikat, mahal na kita. Wala pa akong nabibigay sa’yo. So alin nga dyan?” pangungulit pa ni Mega.

“Hindi ito planado, sige na Vice, sige na,” dagdag pa niya.

“Ano po Mega, hindi ko talaga kaya,” hiyang-hiyang sagot niya.

“Gusto ko kasi, pag nakita ko, happy ako na suot mo.”

“Nakakainis naman ito bigyan, walang chance,” sambit pa ni Mega.

Pero kahit hiyang-hiya si Vice Ganda, nagawa rin niyang pumili at agad naman hinubad ni Sharon at isinuot sa wrist ng comedian/host, dahil gusto ni Mega na siyang siyang remembrance.

“Thank so much Mega.  I love you very, very much. Alam ko, mahal itong ibinigay mo sa akin, pero ‘yung halaga ng bracelet, walang panama sa halaga ng pagmamahal mo sa akin. Kaya ‘yun ang mas naa-appreciate ko, salamat,” sabi ni Vice

Tugon naman ni Sharon, “saka, when you give something daw, that something personally belonging to you, it’s mean more, so I want it to give to you.”

“Salamat, alam kong may value ito sa ‘yo, pero feeling mo may value ako, kaya ibinigay ko sa akin.  Ahh, nahihiya talaga ako,” tugon pa ni Vice at inalala na kay Sharon din siya nagsimula dahil palagi siyang guest sa The Sharon Cuneta Show, na kahit wala naman siyang ginagawa at gusto lang ni Sharon na nasa tabi lang siya.

Samantala, naging very vocal si Mega na gusto niyang makasama si Vice sa movie para muli niyang mailabas ang kanyang comedic side tulad ng ginawa niya sa BFF (Best Friends Forever) kasama si Ai Ai delas Alas, sa Megamol na kung saan nakatambal naman niya si Andrew E at sa Jack ‘En Jill with Mayor Herbert Bautista.

May ilan pang movies ang nagawa niya na nasubukan ang kanyang pagpapatawa, kaya kung matutuloy at patulan ito ng Star Cinema at Viva Films, puwede itong maging entry sa 2019 MMFF, since every Christmas lang naman gumagawa ng movie si Vice.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s