VR Relosa, may birthday concert na pinamagatang “El Tiempo” ngayong Linggo, September 9 at Music Box

throy Catan
Ni: Throy Catan

NABITIN ba kayo sa performance ni VR Relosa sa kanyang mall show na Comienzo nung nakaraang buwan? Kung oo, siguro ay ikakasaya niyo na may panibagong bonggang birthday concert si VR. Tiyak na puno ito ng kantahan, sayawan, at kasiyahan this weekend.

Ang birthday concert ay pinamagatang El Tiempo na gaganapin sa Music Box, Timog Ave, Quezon City sa September 9, Sunday, 8 PM.

Makakasama ni VR sina Vanessa Sayson, Christine Hufanda, Jaspher Jose, Janno Lagamon, Josh Lasquety, at ang Abella Brothers with special guest, Bench. Sulit na sulit ang entrance fee (worth PHP 300) dahil sa dami ng performers. For ticket inquiries, please call 0939 902 7003.

Special thanks sa mga sponsors ng event:  Ästhetisch Skin Care, Dental First, Inc., and Snap Fitness Cubao. Showbiz News Intrigues, at People’s Balita Showbiz naman ang mga official media partners.

Ang El Tiempo ay produksyon ng R Multimedia Events Solutions ni Roi Ira Jude Diego.

vr relosa

Bago pa lang sa industrya ng pagmomodelo, nagkaroon na ng sponsorship ang 19 year old na model/host na si VR Relosa. Isa siya sa mga modelong nabigyan ng sponsorship ng isang kilalang dental clinic na Dental First at Aficionado Perfume.

Naging host sa maraming events at mall shows katulad ng The Colors of July, at ang charity event na Pas2 It 0n. Tinagurian siyang Most Promising New Male Model of the Year sa Gawad Pilipino: Music and Youth Special Awards 2018.

Kahapon, September 6, host din si VR Relosa, kasama si Bruno Mar, sa very saccessful mall tour ni Tori Garcia na pinamagatang, Tori Garcia: #MayPaTshirtSiAteToriParaSaMgaBata Mall Show na ginanap sa Robinsons Town Mall, Malabon.

Para sa dagdag na impormasyon, bisitahin ang official Facebook page ni VR Relosa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s