Pia Wurtzbach, KathNiel, Anne Curtis, at mga bigating celebrities, excited na sa play ni RS Francisco na “M. Butterfly”

throy Catan
Ni: Throy Catan

m butterfly

APAT na tulog na lang at mapapanood na ang kaabang-abang na dula na pinamagatang M. Butterfly. Sa tagal na pagpapahinga ni RS Francisco sa mundo ng teatro, muli siyang bumalik para gampanan ang misteryosang karakter na si Song Liling.

Hindi lang mga media at theater fans ang excited, pati na rin ang mga bigating celebrities katulad nina Kris AquinoPia Wurtzbach, Regine Velasquez, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Dingdong Dantes, at marami pang iba.

Marami ang inibitahang celebrities para sa gala opening night ng M. Butterfly na gaganapin sa Maybank Performing Arts Theatre sa BGC sa Septyembre 13. Ang may invitations lang ang puwede makanood, pero hindi ordinaryong invitation ang natanggap ng mga celebrities.

Nakatanggap ang mga celebrity na itim na box na may logo ng M. Butterfly. Pagbukas ng kahon ay biglang magpe-play sa maliit na LED monitor ang trailer, behind-the-scene videos, at interviews. Sa loob din ng kahon makikita ang isang fan na may logo ng play. Ito na mismo ang invitation. Bongga!

Ipinakita ng celebrities sa social media ang invitation, at sobrang napabilib sa effort at creativity sa ginawang invitation.

Maliban kay RS Francisco, kasama rin sa nasabing play na sina Lee O’ BrianNorman McLeodMayen EstañeroRica NepomucenoMaya EncilaPinky Amador, and Olivier Borten. Ang direktor ng dula ay si Kanakan Balintagos (director of Pisay, Busog at Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros). Sa produksyon ng Tony Award Winner na si Jhett Tolentino at ang Frontrow Entertainment. Mapapanood ang M. Butterfly mula September 13 hanggang 30 sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City. Mabibili ang tickets online.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang M. Butterfly’s official Facebook page at ang M. Butterfly’s official Instagram account.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s