Rayantha Leigh, wagi sa Star Awards for Music dahil sa kantang, “Laging Ikaw”

throy Catan
Ni: Throy Catan

Rayantha Leigh 3

NANALO sa kakatapos lang na 10th PMPC Star Awards for Music si Rayantha Leigh bilang New Female Recording Artist of the year. Pinasikat niya ang kantang Laging Ikaw na umabot na ngayon sa mahigit na 82,000 downloads sa Spotify. Ni-release ang nasabing kanta noong Mayo 7, at ang sumulat ng kanta ay si Kedy Sanchez under Ivory Music & Video.

Pinasalamatan ni Rayantha ang kanyang pamilya, kaibigan, at mga fans sa post sa kanyang Facebook page. “Thank you to my family, friends and supporters. ❤️ Thank you PMPC”. Sabi ni niya.

Isa sa mga nominado sa kategoryang New Female Recording Artist of the year ay sina Aiana Juarez, Janah Zaplan, Kyline Alcantara, Leila Alcasid, Regine Tolentino, Sofia RomualdezKisses Delavin, at Maymay Entrata.

Matatandaan natin na last year ay marami nang natatanggap na parangal si Rayantha. Kasama na rito ang pagkapanalo niya bilang Outstanding Female Recording Artist sa People’s Choice Awards noong Marso 17, 2017, at 2017 Most Outstanding Vocal Artist sa PC Goodheart Foundation Int’l. Inc noong Disyembre 2017.

At dahil sobrang sikat na ang kantang Laging Ikaw, may pa-dance contest ang Ivory Music & Video. Ito ay ang Laging Ikaw Dance Challenge. Bumuo lang ng group of 3 o higit pa at gumawa ng short dance video habang to the tune of Laging Ikaw. I-submit ang video bago mag-September 30, 2018.

Para sa dagdag na detalye, pumunta sa link na ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s