Tori Garcia, todo rehearsal sa action scene ng international films, “Turista” at “10 Seconds”

throy Catan
By: Throy Catan

PUSPUSAN ang pag-e-ensayo ni Tori Garcia sa bago niyang proyekto. Isa sa kanyang pinaghahandaan ang short film na pinamagatang 10 Seconds. Ang direktor ng nasabing short film ay si Mike Magat.

Natanong ko kay Mike kung bakit si Tori ang pinili niyang leading actress sa kanyang short film, “Pinili ko si Tori kasi puwede paglaruan ang itsura niya. Puwede siya mukhang Chinese, Korean, o kaya mixed-race. Importante kasi iyun sa role niya.

“Ang maganda sa kanya ay mabilis matuto. Nakabisado na niya ang fight scene ng isang take. Konting practice na lang ay okay na siya.” Sabi ni Mike.

Tori Garcia

Ayon kay Mike, may planong ipalabas muna sa United States ang 10 Seconds, bago ipalabas sa Pilipinas. Isasali muna ito sa mga film festival sa States.

Ang role ni Tori ay isa sa mga taong galing sa isang malaking sindikato. Ang 10 Seconds ay karugtong ng pelikulang Turista, ang international full-length film ni Mike Magat. Kasalukuyan shinu-shoot ang Turista, at mukhang ito na yata ang pinakabonggang pelikulang ginawa ni Mike dahil shinoot ang mga eksena sa iba’t ibang bansa katulad ng United States, South Korea, Japan, at iba pa.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s