Bagong play ni RS Francisco na M. Butterfly, maraming napabilib na taga-media; costumes ng main character, mahigit PHP 1 Milyon

throy Catan
Ni: Throy Catan

MASUWERTE ang mga taga-media at bloggers dahil sila ang unang nakanood ng bagong play ni RS Francisco na M. Butterfly. Nangyari ang press conference kahapon, September 12 sa Maybank Performing Arts Theatre sa BGC.

Sobrang bongga ang set design, at ang mga costume ng mga aktor lalo na ang costume ng Peking Opera singer na si Song Liling na ginampanan ni RS Francisco. 15 costumes including wig ang ginamit ni RS Francisco, at umabot sa mahigit PHP 1 milyon ang halaga ng costume.

Ayon kay RS, imported ang lahat ng wig galing United States, at ang mga costume ay dinesenyo nang sikat na costume and fashion designer na si Eric Pineda. In fairness, maganda ang lahat ng costumes at nagre-reflect sa personality ni Song Liling.

m butterfly 07

And, of course, hindi natin makakalimutan ang magandang performance ni RS Francisco at ang gumanap na French Diplomat René Gallimard na si Olivier Borten. Aakalain mo talagang babae si RS dahil sa galaw at ang kanyang pananalita. Hindi nagpatalo ang French actor na si Olivier kahit first time niya mag-perform on stage sa Pilipinas.

Kasama rin sa nasabing play ay sina Lee O’ BrianNorman McLeodMayen EstañeroRica NepomucenoMaya Encila, at Pinky Amador. Ang direktor ng dula ay si Kanakan Balintagos (director of Pisay, Busog at Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros). Sa produksyon ng Tony Award Winner na si Jhett Tolentino at ang Frontrow Entertainment. Mapapanood ang M. Butterfly mula September 13 hanggang 30 sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City. Mabibili ang tickets online.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang M. Butterfly’s official Facebook page at ang M. Butterfly’s official Instagram account.

m butterfly

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s