Shaina, pinayuhan ni Vina na magkaroon na lang ng anak

Ni: Rohn Romulo

MASAYA si Vina Morales sa takbo ng buhay niya ngayon, kahit na loveless pa rin siya.

Isa nga sa nagpapasaya sa kanya ang anak na si Ceanna na nine years old na pala.

Pero aminado naman siya na naghihintay pa rin ng ‘right guy’ na gusto niyang makasama sa kanyang pagtanda.

Sinasabi niya yun kay Ceanna na gusto niyang magkaroon ng partner at mukhang papayag naman dahil gusto raw nito na magkaroon ng baby sister.

Inamin din ni Vina na since nagiging mapili siyang magka-dyowa, nag-decide na rin siyang magpa-freeze ng kanyang eggs para sa future baby niya. Kahit medyo mahal ay ginawa na rin niya, may seven fertile eggs ang naka-save sa isang facility sa Singapore.

20180904_195926

Payo nga niya kay Shaina na kung hindi pa siya makakatagpo ng right guy ay magkakaroon na lang ng baby.

“But hopefully, I prayed na may ma-meet si Shaina because she deserves it.

“Minsan, sinabi ko kay Shaina, dapat magka-baby na siya,” pagbibiro pa niya dahil alam naman na very conservative ang kanyang kapatid.

Anyway, twenty years ng Ystilo Salon meron na itong mahigit na 20 branches na matatagpuan sa SM Mall of Asia, Shoppesville Greenhills, SM City San Lazaro, Festival Mall, Nepo Mall Dagupan City, Tanauan City, SM City Tarlac, SM City Calamba, Robinson’s Place Lipa City, Abreeza Mall Davao, Iba Zambales, Angeles Pampanga, SM City Sta. Rosa, Limketkai Mall CDO, One Magnolia Place Balanga Bataan, SM City GenSan, Waltermart San Fernando Pampanga, Citymall Koronadala, One Legaspi Place Tuguerarao City, Island Citymall Bohol, Manaoag Pangasinan, and soon mag-o-open na sa Sta. Lucia at Marquee Mall.

Open pa rin for franchise at pwedeng tumawag sa 927-7532/415-0222 o 0917-3124210 at mag-email sa franchise@ystilosalon.com.ph. Ang kanyang mga kapatid na sina Sheila at Sheryll Magdayao ang nagma-manage ng salon business na dahilan kung bakit sila naging matagumpay sa buong bansa.

At para sa kanilang 20th anniversary may bonggang promo at pa-thank you sila sa loyal clients may 50% off from Sept. 18 to 20. Nagsimula na last Sept. 8 hanggang Oct. 31 ang kanilang 30% at meron ding 20% off hanggang Nov. 30, sa kanilang standard and premium services.

vina & sis

Pangako ni Vina na mag-iikot siya sa mga branches nationwide para magpasalamat sa mga clients nila sa dalawang dekada.

Patapos na rin pala ang Araw Gabi next month na kung saan gumaganap siyang kontrabida na si Celestina, na madugo ang three times a week na taping na sa Batangas pa ang location.

Happy naman si Vina na tumatak sa mga tao ang kanyang mahusay na pagganap na kahit na maraming naiinis sa kanya, na isa lang ang ibig sabihin maayos niyang naitawid ang mapanghamong role.

Ikuwento rin ni Vina na magso-shooting na siya sa September 25 para sa bagong music video para sa “Eros Mio” na kung saan makakatambal niya si Derek Ramsay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s