Pinaghihinalaang ‘baby bump’ ni Marian, pinagpipiyestahan ng netizens

Ni:  Rohn Romulo

marian r.1

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng netizens ang isang photo ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil sa pinaghihinalaang ‘baby bump’.

Ayon sa mga netizens mukhang malapit nang magkatotoo na magkaroon ng kapatid ni Zia Dantes na gustung-gusto nang maging big sister dahil nangungulit na ito ng baby brother.

Sa November 23 magti-three years na si Zia at maganda ngang birthday gift ito sa kanya nina Daddy Dingdong (Dantes) at Mommy Marian.

May nagsasabi rin na last month na kung saan parehong nag-celebrate ng kani-kanilang birthday ang mag-asawa, ay baka alam na ni Dingdong na preggy na si Marian, na best birthday gift sa kanilang dalawa.

May nakita rin daw kina Dingdong at Marian na nagpa-check up sa isang doctor, para ipatingin ang kalagayan ng host ng Tadhana.

May nakapansin din na palagi raw naka-flat shoes si Marian at unti-unti na ngang nahahalata kanyang baby bump at ‘di na rin nagpupunta sa gym para samahan ang asawa.

marian r1

May nakapansin din na habang nanonood ng Sunday PinaSaya na hindi nga nagsusuot ng high heels si Marian at kung dati ay binabalandra niya ang kanyang abs sa ‘budots’ dance segment ng SPS ay tinatago na niya ngayon at balot na balot.

Sa nakaraang launch ng kanyang newest endorsement na Canesten, parang may paramdaman naman si Marian sa kanyang pagbubuntis, sinabi nito na ‘very soon’ daw, tamang-tama lang dahil magti-three years old na nga si Zia.

Wala pa ngang confirmation o official announcement na nagmumula sa pamilya Dantes, kaya naman abang-abang na lang ang kanilang milyong-milyong followers, na sobrang excited sa muling pagbubuntis ni Marian.

Ayon pa sa mga reaksyon na mukhang advance na mag-isip, naghihintay lang daw sina Dingdong at Marian sa go-signal ng kanilang doctor kung buntis ba talaga at kapit na kapit na talaga ang baby bago sila maglabas ng official announcement.

At kung totoo ngang buntis na si Marian, ngayon pa lang ay marami na natutuwa, nagdarasal at bumabati sa mag-asawa.  Bini-visualize din ng netizens kung gaano raw kaguwapo kung magiging boy nga ang kanilang second baby.

Sakto naman kung sakali dahil hindi na tuloy ang teleserye ni Marian, dahil hindi sila puwedeng magsabay ni Dingdong na busy ngayon sa taping ng Cain at Abel kasama si Dennis Trillo at meron pa siyang MMFF entry kasama sina Vice Ganda at Richard Gutierrez.

Kasama naman si Marian na magpapasaya sa #KapusongPinoyAnaheim2018 sa October 7, 2018 na gaganapin sa The Grove- Anaheim sa Los Angeles, California na kung saan kakanta lang naman siya at ‘di magsasayaw, kaya okey lang siyang mag-biyahe at mag-perform.

At kung sakaling preggy na siya, tutuloy pa rin kaya siya kasama ni Dingdong sa pagtakbo ng 5K sa The Color Run Hero Tour sa November 11 kung saan makikinabang ang Yes Pinoy Foundation sa bahagi ng kikitain.

Well, ipagdasal na lang talaga natin na totoo nga na preggy na si Marian, dahil gusto talaga nila na magkaroon ng maraming anak.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s