Ryan Tamondong, ni-release na ang kanyang debut album under Star Music

throy Catan
Ni: Throy Catan

NAGPAMALAS ng galing sa pagkanta si Ryan Tamondong sa harap ng mga bloggers at showbiz press sa katatapos lang na press conference kahapon, September 27. Ni-request ng kanyang manager na si Joel Mendoza na kantahin ang kantang Sana Maulit Muli ni Gary Valenciano kung saan ito ang ginamit na audition piece ni Ryan para makapasok sa Star Music. Of course, napabilib ang mga manonood kay Ryan.

Ang nasabing press conference ay para i-promote ang self-titled debut album ni Ryan Tamondong. Kahit na baguhan si Ryan ay maraming beteranong kumpositor ang nag-collaborate sa kanya para sa album na ito. Isa na rito ang nag-compose ng kantang Sana Ay Ikaw Na Nga ni Basil Valdez na si Cecile Azarcon Inocentes.

ryan tamondong4

Ang mga kanta naman ni Ryan na Ikaw Ang Panaginip at Ako’y Minamahal Mo Pa Rin, ay kinompos ni Joel Mendoza, at ang Since You Went Away na kinompos nina Joel at Vehnee Saturno.

Mapapakinggan ngayon sa Spotify, Deezer, iTunes, at sa iba pang music-sharing apps. Mabibili na rin ang album sa mga record bars.

Na-diskobre ng kanyang manager si Ryan noong sumali at nanalo siya sa Europop Berliner Perle 2015 na ginanap pa sa Berlin, Germany. Si Ryan ang isa sa mga unang Pilipino na sumali sa nasabing patimpalak kasama sina Gyver Jude Concon, Princess Faith Priel, at Mikee Micosa. Ang Pilipinas ang nag-iisang Asian country ang naimbita sa nasabing contest.

Kasalukuyang nag-aaral si Ryan sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Conservatory of Music. Para sa dagdag na impormasyon tungkol kay Ryan Tamondong, i-follow siya sa Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s