Hollywood actor Ryan M. Kolton, gusto makapareha si Liza Soberano

throy Catan
Ni: Throy Catan

VIRAL na ngayon ang interview ni Ryan M. Kolton tungkol sa diumanoy panliligaw niya sa Kapamilya actress na si Liza Soberano. Umabot sa 57,428 views sa loob ng limang  araw ang nasabing video.

Pero nilinaw ng Hollywood actor na gusto lang niya makapareha ang dalaga sa TV or movie, at nire-respeto niya ang relasyon nina Liza at Enrique Gil.

Ang tanong: bakit gusto makapareha ni Ryan si Liza? “Out of the girls, for sure is Liza Soberano. You know why? She’s perfecto. Honestly, she’s the whole deal. She is nice. She’s kind. She’s a great actress. She really brings the A game. She’s kind of defines what true actor should be. Whether is acting or endorsement. I respect her a lot, and it will be honor to work with her. She’s the top of her game.” Sabi ni Ryan na may galak sa kanyang mukha.

Si Ryan ay nagmula sa Ukraine, pero una siya naging aktibo sa pagmo-modelo at pag-arte sa Russia at United States. Ilang buwan pa lang sa Pilipinas si Ryan ay madali na siyang napamahal sa mga Pilipino at gusto na niyang manirahan na rito for good.

Noon pa man hilig na niya ang umarte katunayan nung nag-aaral pa siya sa UCLA ay may mga nagawa na siyang mga proyekto tulad ng “Jay Rocco”, “Past Presence” ,at “Compound 147”.

Eh, ano kaya ang masasabi niya kay Enrique Gil? “Enrique Gil was great. He’s a great actor. I respect him a lot”. Sabi ni Ryan.

Payag ba siya gumanap bilang “third-party” ng LizKen sa teleserye? “That’s great. Some of the greatest partnership started from love triangle. It’s how you work the ‘triangle’. If you have a role and you say that I’m the third one. As long as, you know, make your character count, hey, you never know”. Sabay tawa ni Ryan.

Hindi lang sina Enrique at Liza Soberano ang mga hinahangaang niyang actor. Pati na rin ang Kapuso star na si Ken Chan dahil sa pagganap na diverse na karakter, “… my friend Ken would be one of the top ones. He is really good at playing diverse and challenging roles which is so important for me. So, that’s why I grew up in the US. You know, not the same kind of roles that challenge you. For instance, he’s playing a role of a character with a mild disorder, and a bit of autism. It’s fascinating because like only like two years ago he’s playing a transgender and he was playing a college boy roles. I like that a lot. I think he has a lot that I can learn from him”.  Explain ni Ryan.

Sa ngayon, busy siya sa mga projects katulad ng commercials, print, at TV. Magkakaroon daw siya ng mall tour with SM pero hindi pa kino-confirm ang dates and venues. Inaasikaso rin niya ang kanyang advocacy para sa mga earthquake victims ng Lombok, Indonesia. Para sa dagdag na detalye, i-contact ang @ifqevent o ang official account ni Ryan M. Kolton (@ryanmkolton) sa Instagram.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol kay Ryan M. Kolton, bisitahin ang kanyang Instagram account and Facebook page.

Ryan Kolton6.jpg

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s