SmarTone at TFC, kinoronahan ang “Ms. Barkadahan 2018” winner na ginanap sa Hong Kong

throy Catan
Ni: Throy Catan

NAGTIPUN-TIPON ang mga Pilipino sa Hong Kong para sa Ms. Barkadahan 2018 na ginanap noong September 23 sa MacPherson Stadium, Mongkok sa Hong Kong.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsama sa pag-organize ng nasabing event ang SmarTone Mobile Communications Limited at ABS-CBN Global, sa pamamagitan ng flagship brand nito na The Filipino Channel (TFC), na nagsilbing official broadcast media partner ng event.

Mahigit 10 taon na ang “Ms. Barkadahan” na naglalayong ibahagi sa lahat ang mga tagumpay ng mga overseas Filipinos sa Hong Kong, kahit pa sila ay malayo sa kinalakihang bayan.

Photo-1.jpg

Pagpasok pa lamang sa venue ay binati na ni Lopez ang ilang overseas Filipinos na manonood upang saksihan kung sino ang tatanghaling “Ms. Barkadahan 2018”, at ang unang paparangalan ng “Bb. Kapamilya Barkadahan” special award.

“It is such a privilege to be with our Kapamilyas in Hong Kong and witness how they celebrate each and everyone’s triumphs in life. This fuels us to continue bringing their stories to the world that will inspire many others and give pride to every Filipino wherever they may be,” pahayag ni ABS-CBN Chairman Mark Lopez.

Ang kinoronahan namang “Ms. Barkadahan 2018” ay si Melodie Duag. Ang SmarTone Assistant General Manager of Marketing DivisionCindy Leung ang naggawad sa kaniya ng sash; ang bouquet naman ay ibinigay sa kaniya ni ABS-CBN Chairman Mark Lopez; inilipat naman sa kaniya ang korona ni “Ms. Barkadahan 2017” winner Aigelie Bolalin-Olmogis; at ang one-year Premium TFC subscription ay iniabot sa kaniya ni ABS-CBN Global Asia Pacific Regional Marketing Head and Country Manager for South Asia Maribel Hernaez.

Photo-3.jpg

Bahagi ng special awards ng pageant ang “Bb. Kapamilya Barkadahan”, isang parangal na ibinigay sa kandidatang nagtataglay ngKapamilya spirit. Siya ay ang kandidatang ipinakita ang pambihirang dedikasyon sa pre-pageant at sa lahat ng kaniyang ginagawa.

Ang special award na ito ay nakuha ni Gelbey Joy Genosas, at nakapag-uwi ng Php 60,000 worth ng papremyo, USD 8,000 worth ng jewelries courtesy of Ragazza Jewerlry & Accessories, at one-year Premium TFC subscription.

Bukod sa nag-uumapaw na pasasalamat ni Genosas sa kaniyang pamilya, mga kaibigan at lahat ng naniwala sa kaniyang kakayahan, ang pagkapanalo niya ng Bb. Kapamilya Barkadahan award ay itinuturing niyang oportunidad upang magsilbing inspirasyon sa mga kapwa overseas Filipinos.

Photo-4.jpg

Tinanghal naman na 1st-runner up ay ang Ms. Kapamilya Barkadahan awardee na si Gelbey Joy Genosas, at 2nd-runner up naman si Rosie Talimongan.

Naroon para haranahin ang mga kandidata at mga manonood ay si “Ngayon at Kailanman” star Joshua Garcia, habang nakisaya naman sa question and answer portion ang Unkabogable Sidekick na si Negi.

Muling balikan ang makulay na “Ms. Barkadahan 2018” pageant, panoorin ang highlights noong coronation night sa TFC website.

Para sa updates sa upcoming TFC events, bisitahin ang facebook.com/TFCHongKong. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s