Regine Velasquez, kapamilya na; gustong mag-guest sa show ni Vice Ganda

throy Catan
Ni: Throy Catan

View this post on Instagram

GoodNate #kapamilya 😊

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

BONGGA ang pag-welcome ng Kapamilya Network kay Asia’s Songbird Regine Velasquez. Papasok pa lang ni Regine sa ABS-CBN compound ay sinalubong na siya ng maraming tao lalung lalo na ang mga fans niya. Sinalubong din siya nina ABS-CBN COO of Broadcast Cory Vidanes at ang Head of TV Production Laurenti Dyogi.

After ng contract signing, pinaunlakan ni Regine ang mga katanungan ng mga bloggers at entertainment press. After ng transition ni Regine sa Dos, may plano ba siyang magpahinga muna bago gawin ang mga nakaabang na projects para sa kanya? “Hindi. Diretso na agad [sa trabaho]”. Sabay tawa ng Songbird. “I’m going to Australia for the ASAP. My very first appearance in Kapamilya”.

Binanggit din ni Regine na excited siya makita si Vice Ganda. “Iikutin ko ang lahat ng shows [ng ABS-CBN]. Pero pinaka-excited ako puntahan si Vice. Eh, kasi gusto ko na mag-guest doon. Hindi ako ready [kay Vice Ganda] pero excited ako to be in the show.” Deklara niya.

Inamin din ni Regine na maraming magagaling na talents and singers sa ABS-CBN “I’m most excited to work with people that I’ve always want to work with like Vice, Sharon, Sarah, Maritin and Gary. Sila naka-trabaho ko na pero iyung iba hindi ko pa sila nakapagtrabaho. Plus you have great singers here. Great talents here. KZ, Ange (Angeline Quinto)… Sino pa ba? Si Jona, si Yeng. Siyempre si Morissette, ayaw ko siya. Kasi halimaw (kapag kumanta)”. Sabay tawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s