Tubong Capiz na si Yuli Mike Leonor, kampeon sa MOR Global Pop Icon Korea

throy Catan
Ni: Throy Catan

Photo-1

Naging emosyonal ang 26-year-old na si Yuli Mike Leonor ng hirangin siyang kampeon ng MOR Global Pop Icon Korea, na ginanap noong September 30 sa Dong Sung High School Auditorium in Hyehwa-dong, sa Seoul, South Korea.

Nangibabaw ang boses ni Yuli mula sa siyam pa na finalists, kung saan nakakuha siya ng total score na 84 percent mula sa panel of judges dahil sa kaniyang rendition sa kantang Sila ng OPM band na SUD, na kaniyang inialay sa mga kapwa overseas Filipinos na nangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Ang pride ng Roxas City, Capiz ay nanalo ng isang trophy, cash prize na nagkakahalaga ng USD 1,000, at pupunta ng Manila para sa gaganaping “MOR Global Pop Icon” grand finals.

Photo-2

Hindi pa rin makapaniwala si Yuli sa tinamong tagumpay. Aniya, “Until now I’m still in a hangover after my recent MOR Global Pop Icon in Korea win. Pinapasalamatan ko si God at aking mga kaibigan na sumuporta sa akin sa competition na ito.”

Ang panel of judges na masusing kinilatis ang mga finalists ay binubuo nina Vice President and Chief Operating Officer of Generika Drugstore Jay Ferrer; Administrative Officer and Attaché of the Philippine Embassy in South Korea Maria Luisa Ramos; at MOR 101.9 Station Manager Mars Ocampo.

Photo-3

Ang nagwagi naman ng TFC People’s Choice award ay si Froilan Tabing, matapos makakuha nang pinakamatas na boto mula sa ginanap na botohan noong September 9 hanggang September 23 sa TFC Korea official page.

“Thank you so much for choosing me to win the TFC People’s Choice award. Sobrang over overwhelming talaga ang award na ito. Thank you po sa mga bumoto and sa TFC,” saad niya.

Bukod sa kahanga-hangang pagtatanghal mula sa sampung finalists, bumilib din ang mga manonood sa mga inihandang performances nina Kapamilya stars Enchong Dee at Angeline Quinto, at naaliw kina MOR 101.9 DJ Jhai Ho at DJ Eva Ronda na nagsilbing hosts ng event.

Photo-6

Napasayaw ang lahat sa song and dance number ng Chinito Heartthrob sa mga kantang Uptown Funk ni Bruno Mars at Ligaya ng Eraserheads. Nadala naman ang mga manonood sa pag-awit ng Queen of Teleserye Theme Songs ng mga kantang Don’t Stop Believing ng Journey, at ng mga Aegis hits na Luha at Halik.

Ang “MOR Global Pop Icon Korea” ay naging possible sa pagtutulungan ng MOR 101.9, ang official FM radio station ng ABS-CBN sa Mega Manila, at ng The Filipino Channel, ang flagship brand ng ABS-CBN subsidiary na ABS-CBN Global.

Hindi pa tapos ang paghahanap sa susunod na “MOR Global Pop Icon”, abangan ang susunod na mga kompetisyong gaganapin sa loob at labas ng bansa.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Korea official page. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram. Bisitahin din ang MOR 101.9 website, at i-follow ang kanilang social media accounts: Facebook, Twitter, at Instagram.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s