Thai online sensation na si Mader Sitang, nasa Pilipinas na para sa kanyang Manila tour

throy Catan
Ni: Throy Catan

DUMATING na sa Pilipinas ang sikat na online sensation ng Bangkok, Thailand na si Mader Sitang. Siya ang Asia’s top transgender supermodel “slash” lawyer na may maraming followers sa social media. Sumikat si Mader sa mga nakakaaliw na videos kung saan sumasayaw siya habang hine-hair-flip ang kanyang straight long hair.

Nakarating si Mader Sitang kahapon, October 19, sa NAIA at 2:45 PM via Cebu Pacific. Sinalubong agad siya ng kanyang Filipino fans sa airport, at pinaunlakan ang request ng kanyang fans na sayawin ang kanyang signature dance move.

Dumeretso si Mader Sita sa H&H Make Over Salon sa The Block, SM North EDSA kasama ang producer ng tour na si Wilbert Tolentino, Mr. Gay World-Philippines 2009 at WEMSAP founder/president. Sa H&H Make Over Salon kasi ginanap ang press conference at makakausap ni Mader ang mga taga-media at bloggers. Pinaunlakan naman ni Mader ang mga tanong ng mga media.

Hindi pa sumisikat ang araw pero pinakita ni Mader sa kanyang Facebook page ang kanyang dilaw na terno. Hindi malinaw kung bakit sinuot niya ang terno sa kalagitnaan ng hatinggabi. According sa aming sources, naghahanda lang siya sa kanyang performance ngayong gabi, October 20 and 21 at 10 PM, sa Fahrenheit Café; at sa One 690 Entertainment at 12 midnight.

Ngayong hapon shinare ni Mader Sitang ang pagpunta niya sa sikat na National site ng Manila katulad ng Rizal Park at Intramuros. Habang namamasyal ay hindi maiwasan na may nakakakilala sa kanya sa daan. Willing naman si Mader sa pag-selfie sa mga fans. Sinubukan din niya na sumakay sa kalesa.

Para sa maraming impormasyon kay Mader Sitang, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s