Maja, Enchong, Zanjoe, Arci, at Pooh, pinasaya ang mga kababayan sa Denmark para sa “Kapamilya Fiesta World”

throy Catan
Ni: Throy Catan

Dahil sa pagtutulungan ng ABS-CBN Regional at The Filipino Channel (TFC), naging posible na madala sa Denmark ang pistang-Pinoy sa katatapos lang na Kapamilya Fiesta World in Copenhagen, Denmark event na ginanap sa Tivoli Hotel & Congress Center sa København, noong October 7.

Hinahanap-hanap ng mga kababayan ang magarbong fiesta at naiparanas din sa mga non-Filipinos sa bansang iyon kung paano magsaya ang mga Pilipino.

Kasama sa pagdiriwang nila ang ilang Kapamilya stars na sina Maja Salvador, Enchong Dee, Zanjoe Marudo, Arci Muñoz, at Pooh na pinaghandaan ang kanilang world-class performance para sa ating mga kababayan.

Kapamilya Fiesta World in Copenhagen, Denmark

Napaindak ang lahat sa opening dance number na inihanda ng mga Kapamilya stars, na maging ang komedyanteng si Pooh na hindi nagsasayaw sa kaniyang mga shows ay hindi napigilan na mapasayaw dahil sa mataas na energy mula sa kanilang mga manonood.

Ramdam na ramdam ang positibong mood ng bawat isa sa venue, kaya naman hinikayat ng mga Kapamilya stars ang kanilang mga manonood na ipakalat ang positive vibes na ito sa social media. Dagdag pa nila, malaking bagay ang magagawa ng mga positibong posts at comments nila sa mga gumagamit ng iba’t ibang social media sites.

Tinuloy-tuloy nina Enchong at Arci ang pagpapakalat ng kasiyahan. Unang nagpasaya sa lahat ay ang bago nilang mga libro: si Enchong inilabas ang librong “Basta Trip Mo” kung saan ibinahagi niya paano magagawa ang abot-kayang pagta-travel; si Arci naman inanunsyo ang kaniyang librong “Cheat Days: Food Lang ang Chini-Cheat Hindi Jowa” na nagbahagi sa mga mambabasa ng iba’t ibang recipes mula sa singer-actress.

Photo-5.jpg

Pambihirang pagtatanghal din naman ang kanilang inihanda para sa lahat. Ang Chinito Heartthrob nagpakilig sa kaniyang dance performances tulad ng “4 Minutes” ni Madonna. Ipinakita naman ni Arci ang kaniyang rakista side ng awitin ang mga kantang “Nosi Balasi” ng Sampaguita at “We Will Rock You” ng Queen.

Mas tumindi naman ang kilig ng lahat ng mag-duet sina Maja at Zanjoe sa kantang “Hanggang Kailan” ng OPM band na Orange and Lemons. Asahan ang mas nakaka-kilig na moments ng dalawa sa kanilang pagtatambal sa pelikulang “To Love Some Buddy”, ang ikalawang pelikula na ilalabas ng bagong production brand ng ABS-CBN Films na Black Sheep.

Photo-6.jpg

Matapos magpakilig, nagpabilib naman ang Dance Royalty sa kaniyang mga inihandang song and dance numbers. Tulad na lamang ng itanghal niya ang mga kantang “Hataw Na” at “Di Bale na Lang Kaya”, na ginawa niya bilang pagkilala kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Hindi pa man lubos na nakakapahinga mula sa kaniyang high-energy performance, sinorpresa ng production team si Maja ng umakyat sa stage ang mga kasama niyang sina Enchong, Zanjoe, Arci, at Pooh dala ang kaniyang birthday cake.

Lubos ang naging pasasalamat ni Maja hindi lamang sa kaniyang mga kasamahan, kung hindi maging sa kaniyang mga taga-suporta. Aniya, “Ang dami-dami kong bansang napupuntahan at personal ko kayong napapasalamatan. Maraming salamat po! Iba sumuporta ang Pinoy kahit nasaang bansa sila.”

Photo-7

Natapos ang gabi na kita sa bawat isa ang kanilang kasiyahan mula sa isang gabi na hindi lamang pinuno ng awitan, sayawan, at tawanan. Ito rin ay isang gabi na nasa iba man silang bansa ay naranasan nilang muli ang ipagdiwang ang kasiyahan sa kinalakihang bayan dahil sa “Kapamilya Fiesta World in Copenhagen, Denmark”.

Para sa updates tungkol sa upcoming events ng TFC, bisitahin ang Facebook page ng TFC Europe. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

Photo-8

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s