Atty. Ferdinand Topacio, binahagi ang kanyang saloobin tungkol sa pagtakbo muli ni Sen. Koko Pimentel sa Senado

throy Catan
Ni: Throy Catan

NAGSAMA-SAMA ang mga media para sa press conference ni Atty. Ferdinand Topacio para ilabas niya ang kanyang saloobin tungkol sa pagtakbo muli ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel sa senado.

Kamakailan lang ay may planong tumakbo muli si Sen. Koko Pimentel sa senado para sa darating na General Election sa Mayo 2019. Naniniwala si Sen. Koko na hindi siya lumabag sa konstitusyon dahil hindi siya nag-serve ng buo sa una niyang termino.

Dineklara noon bilang pang-labingdalawang senador si Sen. Koko pagkatapos ng electoral protest laban kay Juan Miguel Zubiri nung Agosto 2011. Tumagal ng higit isang taon ang unang termino ni Sen. Koko. Na-elect muli si Sen. Koko noong 2013.

Nakapanayam namin si Atty. Topacio at tinanong namin kung ano talaga ang pinagsamahan nila ni Sen. Koko bago pa nanyari ang issue na ito, “So, magkaibigan naman kami iyan, si Koko. Noong 1995 pa, kaibigan ko na iyan.” Sabi ni Atty. Topacio.

Binanggit pa niya tungkol sa lalim ng kanyang pagkakaibigan, matalo man sa election o hindi. “Inaanak nga niya ang panganay ko.

“Magkasama kami sa Rotary. Tumakbo siyang mayor ng Cagayan de Oro, kasama ako nung nangampanya siya. Nung tumakbo siyang senador, first time natalo siya, kasama niya ako. Kapag tumatakbo iyan tuwing eleksyon ay kasama ako, at puwede niyong itanong iyan kung hindi totoo.” Deklara niya.

Kung ganon, bakit nagpasa siya nag-file ng disqualification case laban kay Sen. Koko? “Noong nakapag-usap kami sabi ko, alanganin nga ang pagtakbo mo for another term kasi, para sa akin, second term mo na ito. Third term mo na kapag tatakbo ka na ulit.

“Hindi ko naman sinabi na tama ako. Iyun nga lang iyun ang paniniwala ko. Sabi ko para maganda wala na lang masabi. Wala silang masabi na traditional na politician ka na gahaman ka sa kapangyarian. Kapag may konting duda, huwag ka na lang tumakbo…

“Hindi naman niya minasama kaya lang hindi niya kinuha iyung payo ko which is okay with me. Kaso ho iyun ang paniniwala ko. At noong nakita ko na tatakbo muli at iyun ay kontra sa akin paniniwala, tingin ko my duty as a citizen, as a registered voter, and as a member of Philippine Bar na kuwestyonin siya. Hindi para mainis sa akin si Sen. Koko, kung ‘di tingnan natin kung ano ang sabihin ng batas.” Sabi ni Atty. Topacio.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s