Joners on Wheels ng Jemina Sy Foundation, maraming napasaya na tao

throy Catan
Ni: Throy Catan

SUCCESSFUL ang event na may pamagat na Joners on Wheels na ginanap sa Brgy. Santa Rosa, Marilao, Bulacan kahapon, Oktubre 28.

Ang Joners on Wheels ay proyekto ng Jemina Sy Foundation. Ang pangunahing mission ng nasabing proyekto ay mabigyan ng free legal, dental, at medical consultation sa mga mahihirap. Namimigay din sila ng free groceries sa mga taong sumali sa event na ito.

Nagsimula ang Jemina Sy Foundation last September at sa maikling panahon ay nadalaw na nila ang mga barangay sa Bulacan katulad ng Brgy. Lambakin, Brgy. Poblacion I at II, Brgy. Ibayo, Brgy. Nagbalon, Brgy. Prenza I at II, Brgy. Abangan Sur, Brgy. Abangan Norte, Brgy. Tabing Ilog, at Brgy. Patubig.

Likas talaga kay Atty. Jemina Sy, founder ng foundation, na tumulong sa kapwa. Ito ang dahilan kung bakit gumawa siya ng NGO katulad nito, “Sa halos araw-araw na pagsisilbi sa mga tao bilang isang lawyer, narinig ko na ang iba’t ibang daing ng mga tao. Kaya naisip ko na lang na gumawa ng foundation para lalo matulungan ang mga tao”. Deklara ni Atty. Jemina.

Maliban sa pagiging mahusay na lawyer ay pinasok na rin ni Atty. Jemina ang pagiging artista. Hindi na rin ito nakakataka dahil maganda at marunong umarte si Atty. Jemina. Napabilang siya sa mga pelikula katulad ng Bugbog, The Lookout, at The Barker na pinabibidahan nina Shy Carlos at Empoy Marquez.

Na-recognize din ang galing niya sa pag-arte nung nanominado siya bilang New Movie Actress of the Year sa katatapos lang na Star Awards for Movies 2018.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s