Ni: Throy Catan
PAGKATAPOS ng successful na concert ni Mariah Carey sa Araneta Coliseum, hindi nagpapaawat sa pagsuporta sa mga foreign and local artist ang Frontrow.
Ngayon, ang paborito nating 90’s alternative rock band na Parokya ni Edgar ay makikipagrakrakan kasama ang Frontrow bukas. Tara at panoorin ang Parokya ni Edgar Live in Laguna bukas, November 3, 8 PM sa Sta. Rosa Sports Complex, Laguna.
Muli pakinggan at magsayawan sa kanilang pinasikat na kanta katulad ng Your Song, Mang Jose, Yes Yes Show, The Ordertaker, Para Sayo, at marami pang iba.
Mabibili ang ticket sa SM Ticket outlet sa lahat ng SM Cinemas at sa SM Tickets online.
Samantala, may promo ang Frontrow sa mga loyal members. Simula October 30 ay doble na ang halaga ng mga produktong puwede nilang mabili kapag nagpa-upgrade sila ng membership (Bronze to Platinum, Silver to Platinum, Gold to Platinum) at magkakaroon sila ng suprise bonus.
Valid ang promo na ito nationwide from October 30 hanggang November 2. Mga Frontrow members na sumali bago o mismong araw ng Oktubre 30, 2018 ang puwedeng sumali sa promo na ito.
Para sa dagdag na detalye, bisitahin ang official Facebook page at Instagram account ng Frontrow.