Rayantha Leigh, makakatanggap ng parangal mula sa Japan

throy Catan
Ni: Throy Catan

Balik Japan ang teen singer na si Rayantha Leigh para tanggapin ang panibagong parangal mula sa 5th World Class Excellence Japan Award. Nakatanggap siya ng award bilang Young Achiever Awardee: Outstanding Asia Teen Performer 2018.

Gaganapin ang nasabing awards night sa November 18, Linggo sa Hakata New Otani Hotel sa Fukuoka, Japan.

Matatandaan natin na nanalo si Rayantha sa World Class Excellence Japan Awards  bilang Young International Artist noong Marso 2017.

After ang kanyang biyahe sa Japan ay aasikasuhin ni Rayantha ang kanyang kauna-unahan niyang mini-concert sa Shopalooza Bazaar, Riverbanks Marikina sa Nov. 25, 6 PM na may pamagat na “All About… Rayantha“.

Rayantha Leigh japan

Ni-release ang kanta ni Rayantha Leigh na Laging Ikaw noong Mayo 7 at umabot na ngayon ang nasabing kanta sa mahigit na 90,000 downloads sa Spotify. Ang sumulat ng kanta ay si Kedy Sanchez under Ivory Music & Video.

Dahil dito, nanalo si Rayantha sa kakatapos lang na 10th PMPC Star Awards for Music bilang New Female Recording Artist of the year.

Endorser din si Rayantha ng Erase Products, H & H Makeover Salon at Switch Limited. Isa rin siya sa mga host ng bagong youth-oriented variety show ng Net 25 na Bee Happy, Go Lucky na napapanood tuwing Linggo ng 9 to 10 PM.

Para sa iba pang detalye tungkol kay Rayantha at ang kanyang upcoming gigs, bisitahin ang kanyang opisyal na Facebook page. Puwede niyo rin pakinggan ang mga nakakakilig niyang mga kanta sa Spotify.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s