Hadi Quiambao, nangibabaw sa lahat kaya napili na maging bida sa ‘EGRESS (Way Out)’

rohn romulo
Ni:  Rohn Romulo

NANGIBABAW ang ipinamalas na kahusayan ng eight year old newbie na si Hadi Quiambao sa ginanap na audition process para sa full-length indie-art film na may titulong EGRESS (Way Out) na kukunan sa Middle East.

Namangha ang mga naimbitahang hurado sa ginawang pag-deliver ni Hadi ng mga dialogues sa script, na simple ngunit natural na natural at punum-puno ng emosyon.

Kaya naman napagkaisahang na ibigay sa baguhang child actor ang karakter ni Hadi na pinaka-iikutan ng kuwento na magpapakita ng mga karanasan ng isang batang undocumented sa Kaharian ng Saudi Arabia, na tiyak na aantig at kukurot sa mga puso nang makapanonood.

haddi q1

Matagumpay ngang nailunsad ng Master’s Piece Multimedia Production sa pakikipagtulungan ng CD Production, RMU Production at WFDC Production ang masusing pagpili sa mga magsisipagganap sa pelikulang isinulat at ididirek ni Jorge Arriola Stohner Demafeliz.

Dinaluhan ang ginanap ang audition noong ika-2 ng Nobyembre, 2018 sa isang hotel sa Riyadh ng iba’t-ibang lider ng mga organisasyon sa Riyadh, KSA na bumuo ng panel of judges para piliin ang babagay sa iba’t ibang roles sa pelikula.

Ang panel of judges ay kinabibilangan nina Christian Duff ng CD Production, Noel Raz ng WFDC Production, Gary Adesna ng RMU Production, Gene Juanich ng GJ Records, Marivic Santos ng Dance Connection, Alvin Lagnas ng Frontrow International, Sir Wilson ng Ras Maharlika, Sir Brent na isang director ng RMU, Rechiel Ramos ng Baker’s Wife, Enzo Ariar na finance head ng produksyon, Hawili Hurom na isang freelance photographer, Lito Hobayan, isa sa production manager, at si JP Galarion Aleta na isang TFC K-World producer.

haddi and direk

Matagumpay din na nakalusot na gaganap na ina at ama ni Hadi ay sina Sheryl Macarampat na isang nurse sa hospital at si Kaizer Milazky Silvestre na isa namang IT employee.

Gaganap si Sheryl bilang Marivic at si Kaizer bilang Shakir na isang undocumented Indian nationality.

Nakapasa rin sa audition si Rikki Molina na napili para sa role ng kuya ni Marivic na si Carlo. Isa siyang sikat na fashion designer sa KSA.

Pasok din sa cast sina Gabriel Concepcion na napili para sa role ng isang government official at si Joey Patricio Herrera bilang isang distressed OFW.

Pinasalamatan ni Direk Jorge ang lahat ng may kaugnayan sa paggawa ng pelikula at maging ang lider ng bawat organisasyon sa kanilang kontribusyon sa ikapalalawig ng kultura at sining ng Pilipinas sa pamamagitan ng paggawa ng pelikula at pagbabalita.

haddi q.

Pinasalamatan din niya ang mga sponsors sa pangunguna ng Frontrow International, Baker’s Wife, L&Ms Catering and Foodstuff, Joel de Guzman ng Krispy Kreme, Bernielito Miguel, Mher Melo Mariano ng Manyaman Catering, Christian Duff Perfume, WFDC Flowers by Noel Raz, Nino Lei at Von Ryan Balidio.

Sa pagpasok ng buwan ng Disyembre, magsisimula nang gumiling ang kamera para sa pelikulang EGRESS (Way Out), at maipapakita na ni Hadi kung may ibubuga talaga siya sa pag-arte na sa tingin naman namin ay makakayanan niyang gampanan ito nang buong husay.

Pinaplano pala ni Direk Jorge na isali ang kanilang pelikula sa Malaysian International Film Festival sa 2019.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s