Marian, mas hirap sa ikalawang pagbubuntis; hoping sila ni Dingdong na baby boy naman

Ni:  Rohn Romulo

marian-nailandia1

SA ikaapat na pagkakataon, muling pumirma ng kontrata si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera bilang nag-iisang Brand Ambassador ng Nailandia Nail Studio and Body Spa.

Aminado ang may-ari ng Nailandia na si Ms. Noreen Divina na simula nang maging endorser nila si Marian ay nakilala at naging undisputed fastest-growing nail spa franchise sa bansa na may 120 branches na nationwide and soon magkakaroon na sila ng international branch sa New Jersey, USA. And mag-o-open din sa UAE at sa iba pang Asian countries.

Kaya naman wish nila kung pupuwede ay forever na si Marian ang mag-endorse ng kanilang mga services from face to toes.

Napaka-affordable din ang franchise fee ng Nailandia na P350K lang at wala talagang hidden charges.

Aminado naman si Marian, na gusto rin niyang magkaroon ng sariling branch, wala pa lang silang mahanap na puwesto na malapit sa kanilang tahanan.  Gusto kasi niyang maging hands on sa business na papasukin.

Anyway, sobra naman ang pasasalamat niya sa Nailandia, dahil buntis man siya o hindi ay hindi siya iniiwan.  Tuwing Sunday, after ng Sunday PinaSaya, palagi siyang may ‘me time’ na kung saan ina-avail talaga niya ang mga bonggang services ng Nailandia.

nailandia

Kung malapit kayo sa E. Rodriguez, Q.C. corner Tomas Morato, bisitahin ang branch ng Nailandia na isa sa owner nito ang manager ni Marian na si Rams David, na kung saan matatagpuan din ang sister company na Heroes Barbers para sa mga guys, kaya one stop ito para sa pamilya.

Samantala, natanong uli si Marian tungkol sa kanyang pagbubuntis na inamin niyang mas mahirap kumpara noong ipinagbubuntis niya si Zia.

Kung noon ay mahilig siya sa matatamis at white chocolates.  Maaasim na pagkain naman ang gusto niya, katulad na lang ng kamias na sinasawsaw niya sa asin o bagoong.

Mas madali rin siyang mahilo o magsuka, kaya siguro lalong nangangayat si Marian at hindi pa masyadong malaki ang tummy niya.

Sa November 20 raw nila malalaman kung boy or girl ba ang second baby nila ni Dingdong Dantes.

After ng 3rd birthday party ni Zia sa November 23, pinangako ni Marian na magkakaroon sila ng ‘gender reveal’ na tiyak na aabangan ng lahat.

May nagsasabi na mukhang boy nga ang pinagbubuntis ni Marian.  Pero kung girl uli ay okey lang sa kanila ni Dong, dahil may third and fourth pa naman daw.

At kung puro girls ang maging anak nila, ay buong puso nilang tatanggapin at okey lang kay Marian na si Dingdong lang ang nag-iisang lalaki sa sa kanilang pamilya.

But everyone is praying naman na pagkakalooban din sila ng Diyos ng baby boy na isa nga sa wini-wish ni Ate Zia.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s