Obra ni Juan, panalo bilang “Best Entertainment Program” sa 40th Catholic Mass Media Awards

throy Catan
Ni: Throy Catan

HINDI inaasahan ni Atty. Vince Tañada, founder ng Philippine Stagers Foundation, na nanalo ang kanyang obra na pinamagatang Obra ni Juan sa katatapos na 40th Catholic Mass Media Awards na ginanap sa Star Theater sa Pasay City last Wednesday, November 14.

Ayon sa Facebook post ni Vince, nakuha ng Obra ni Juan ang titulong Best Entertainment Program. Ibinahagi niya sa kanyang Facebook post ang kanyang reaksyon tungkol sa natanggap niyang masayang balita, “Isang malaking sorpresa ang pagwawagi ng Philstagers’ OBRA NI JUAN sa Catholic Mass Media Awards kagabi bilang Best Entertainment Program.” Sabi ni Vince.

“Hindi ko inaasahan kaya nga hindi na ako dumalo at pinapunta ko na lamang si Oj Abines Bacor. Nakalimutan ko ang mahalagang ambag ng dula sa kasaysayan at aliwan, na sa kabila ng mga naglalakihang pangalan na nominado sa kategoryang aming kinabibilangan, hindi ako naniwalang lulusot nga ang Obra Ni Juan.

“At nangyari nga ang hindi inaasahan. Nagwagi kami, sa tulong ng malaking biyaya buhat sa Panginoon.” Duktong niya.

Matatandaan natin na naging successful ang mga nakaraang pagtatanghal ng Philippine Stagers sa Obra ni Juan. Hindi lang naging patok ito sa Metro Manila, kundi pinipilaan din ito ng mga tao sa Visayas at Mindanao.

Sa katunayan, muli nila itatanghal ang Obra ni Juan ngayong Nobyembre sa Isabela:

  • November 20, 10am and 2pm (ISU Main Amphitheater | Echague, Isabela)
  • November 21, 2pm (Dña. Josefa Albano Coliseum | Cabagan, Isabela)
  • November 22, 10am (FL Dy Coliseum | Cauayan, Isabela)

Ang istorya ng Obra ni Juan ay hango sa buhay ni Juan Luna. Si Juan Luna ay kilala sa larangan ng sining at isa sa mga unang Pilipinong rebolusyonaryo noong panahon ng Espanya. Ang dula ay sinulat at idinerekta ni Vince Tañada.

Ang mga nagsipagganap ay sina Vince Tañada, Patrick Libao, Chin Ortega, Johnrey Rivas, Jomar Bautista, Cindy Liper, JP Lopez, Kenneth Sadsad, Rutchel Leonor, Cris Lim, at Adelle Ibarrientos.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa dula, at iba pang mga proyekto ng Philippine Stagers Foundation, bisitahin lang ang official FacebookInstagram, at Twitter.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s