Rayver at Rodjun Cruz, pinag-usapan ang kanilang special episode ng Magpakailanman

throy Catan
Ni: Throy Catan

rojun rayver

MARAMING napabilib sa performance ng makapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz sa last episode ng two-part story ng Magpakailanman na pinamagatang “Impyerno sa Dagat“. Pinalabas ang unang episode nung Nobyembre 17, at ipinalabas ang pangalawang episode last Saturday evening, November 24. Parte ang special episode na ito sa ika-anim na anibersaryo ng Magpakailanman.

Hango sa totoong buhay ng dalawang OFW na naging hostage ng mga pirata. Isinalaysay dito ang karumaldumal na trato ng mga piratang nag-hostage sa dalwang Pilipino for five years.

Marami ang na-inspire at napaiyak sa bawat eksena ng nasabing palabas. Isa na rito ang netizen na si Rezziel. Anya: “Very very inspiring story Ms. Mel Tiangco!! Kakaiayak tama yung ginawa ni arnel na h’wag sumuko agad.. dasal dasal lang na makakalaya din sila sa mga pirata!!!😇🙏😊”

Isa sa mga fans ni Rodjun ay humanga sa galing ni Rodjun. Ang sabi: “Si Rodjun gusto ko talaga umarte ang batang yan , magaling din sumayaw pero sa drama magaling
Yan dapat binibigyan ng project”

comment rojun rayver magpakailanman

Nagpapasalamat naman ang magkapatid sa mga magagandang comment tungkol sa palabas. Masayang masaya si Rayver dahil sa dami ng proyektong natatanggap niya sa Kapuso network pakatapos lumipat mula sa Kapamilya Network, “Sobrang daming blessings talaga. Isa na rito ang Asawa Ko, Karibal Ko and now thisSobrang thankful.” Deklara ni Rayver.

Sa Instagram, pinost ni Rodjun ang kanyang pasasalamat sa mga fans na tumangkilik sa special episode ng Magpakailanman, “Mula saming magkapatid @rayvercruz Taos Puso kaming nagpapasalamat sa inyong lahat!🤗❤️🎉🙏 Mahal namin kayo! Congrats Team Magpakailanman. To God be the glory ☝🏻” Sabi ni niya.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s