“One Music X Abu Dhabi 2018” ng TFC, dinumog ng mga Kapamilya fans sa Abu Dhabi

throy Catan
Ni: Throy Catan

Photo-1

NAPUNO nang malalakas na hiyawan ang Mubadala Arena, Zayed Sports City sa Abu Dhabi, UAE matapos magkasama-sama ang mga Piipino at non-Filipinos upang masaksihan ang isang hindi-malilimutang weekend na dala ng “One Music X Abu Dhabi 2018” na naganap noong November 9.

Ito na ang ikawalang taon ng “One Music X” music festival, at muli na naman itong nakapg-iwan ng kakaibang weekend experience para sa lahat, mula sa mga aktibidad na nakapag-hatid ng saya sa bawat isa, hanggang sa isang gabi na napuno ng world-class performances mula sa ilang Filipino artists.

Ngayon ay itinuturing na primyadong Filipino-produced music festival sa Middle East, ang “One Music X” ay naging possible dahil sa pagtutulungan ng Star Music, MOR 101.9, Myx Philippines, One Music PH and The Filipino Channel (TFC).

Photo-2

Una ng naghatid ng nakakahawang high energy sa lahat ay si Maris Racal na unang beses magtanghal sa “One Music X” stage.

Lalo pa nadagdagan ang mga tagahanga ng actress-singer-songwriter sa bawat pagtatanghal na nagpabilib sa marami, lalo na matapos nilang mapakinggan ang original composition niya na “Ikaw Lang Sapat Na” na sinabayan pa niya ng pagtugtog ng gitara.

Photo-4

Nagbabalik naman sa “One Music X” stage si Inigo Pascual, na sa pagkaktaon na ito ay hinikayat ang lahat na huwag bibitawan ang kanilang mga pangarap. Aniya, “Go for your dreams don’t ever stop. People will always tell you negative things, people will always tell you why you cannot do these or that. Pero kapag nilagay mo ang puso mo, ang passion mo sa ginagawa mo at pinaniwalaan mo ‘yon lahat puwede mangyari.”

Matapos nito ay tsaka niya kinanta ang hit single niyang “Dahil Sa’Yo”, na kaniyang inalay sa lahat ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta.

Photo-7

Hindi naman mawala ang ngiti ni Moira dela Torre ng makita ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kaniyang unang pagtatanghal sa “One Music X” stage.

Para sa kaniyang set, tila ikinuwento ni Moira ang kaniya buhay pag-ibig sa lahat. Una niyang inawit ang “Tagu-Taguan” na tungkol sa isang taong iniwan ng minamahal; sumunod ang “Malaya” na tungkol sa pagmo-move on; at huli ang “Tagpuan” na tungkol sa natagpuang tunay na pag-ibig.

Photo-8.jpg

Muli rin nagbabalik sa “One Music X” stage si KZ Tandingan na sinamantala nag pagkakataong mas mapalapit sa mga manonood sa pamamagitan ng duet performances.

Isa sa mga naka-duet niya ng gabing iyon si Adel Bagarinao, isang nurse sa Abu Dhabi na labis ang kasiyahan na hindi lamang niya napanood ang idol, naka-duet pa niya ito. “The duet part is such a big bonus for me. Can’t explain the feeling! Sobrang saya at kilig!” pagbabahagi niya sa isang Facebook message.

Photo-10

Napasayaw naman ang lahat sa performance ni Maja Salvador para sa kaniyang special appearance sa “One Music X Abu Dhabi 2018”. Sinabayan din siya ng mga manonood sa pagkanta ng “Power” by Little Mix, “Cheap Thrills” by Sia, at ng kaniyang original single na “Dahan-Dahan”.

Lalo naman lumakas ang hiyawan nang lumabas na sa stage ang OPM band na Aegis. Bawat performance nila ay sinasabayan ng lahat, lalo na ng kantahin nila ang original hits nila tulad ng “Basang Basa sa Ulan” at “Halik”.

Photo-12

Maging sila ay hindi makapaniwala sa mainit na pagtanggap ng lahat sa kanila, na sa isang parte ng kanilang pagtatanghal ay huminto sila para panoorin ang mga manonood na sabay-sabay na kinakanta ang kanilang awitin.

Bukod naman sa pambihirang mga pagtatanghal, inabangan din ng marami ang “Star Hunt at One Music X Abu Dhabi 2018” auditions. Ilang overseas Filipinos ang lumahok sa pinakamalaking audition ng ABS-CBN, kung saan ang ilan na papalarin mula sa auditions ay makikita natin sa iba’t ibang Kapamilya programs sa TV, radyo at online.

Marami man aktibidad na maaaring gawin sa “One Music X Abu Dhabi 2018”, sinigurado naman ng iba’t ibang food trucks sa venue na hindi magugutom o mauuhaw ang lahat. Maraming masasarap na pagkain at nakakapawi ng uhaw na inumin ang pinagsaluhan ng mga pamilya at magkakaibigan.

Photo-13

Higit sa pagiging isang music festival, muli na naman nagtagumpay ang “One Music X Abu Dhabi 2018” na tipunin ang mga taong mayroong iba’t ibang kultura upang sama-sama na ipagdiwang ang kanilang pagmamahal sa musika at pagpapahalaga sa pamilya at pagkakaibigan.

Para sa updates tungkol sa upcoming TFC events, bisitahin at i-like ang facebook.com/TFCMiddleEast. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

Photo-14

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s