Lance Edward, busy sa kanyang career at business

throy Catan
Ni: Throy Catan

lance edward

SUCCESSFUL ang music festival na pinamagatang Road to Light Music Festival na ginanap sa Music Museum last Friday, November 30. Hindi na rin ito nakakataka dahil kasama sa nasabing concert ang mga sikat na young artists sa industriya na sina TJ Monterde, JR Estudillo, Pocket Stereo, Lance Edward, Nico Javier, St. Wolf, Dianne Grace, Avon Rosales, Pauline Cueto, at ang sikat na sikat na bandang IV of Spades.

After ng show, nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap ang isa sa mga artists na nagtanghal sa gabi na iyun, si Lance Edward. Sa mga hindi nakakaalam, si Lance ay Star Music recording artist, at dating miyembro ng all-boys group na Big Men.

Ngayon ay solo artist na siya at may ni-release na singles noon. Ang mga singles niya ay mga sarili niyang rendition ng mga sikat na kanta katulad ng “Kung Ako Na Lang Sana” ni Bituin Escalante, “I Want It That Way” ng Backstreet Boys, at ang “I’d Do Anything for Love (But I Won’t Do That)” na pinasikat ni Meat Loaf. Ngayong Hunyo ay ni-release ang kanyang first album na may pamagat na “All My Best, Vol. 1”. 13 songs ang nakalagay sa kanyang album, including “Light Me on Fire”, “My Life”, at “Things I do”.

Aside from his busy schedule sa kanyang music career ay abala rin siya sa kanyang business, “Yes po. Meron na rin po. Nagtayo po ako ng production [house], and some businesses din po. Kasi I’m already here in the entertainment so why not open my own… Parang school siya in a way. So, bakit hindi mo gawin din.” Sabi ni Lance.

Ano kaya ang pakiramdam na pinagsasabay ang business at ang pagkanta? “Actually, sobrang hirap.” Deklara niya lalo na magtatanghal siya sa tatlong shows sa Japan sa December 5 hanggang 11.

Meron din balita na sasabak din siya sa pag-arte. How true? “I’m actually going there… Nag-Star Magic Workshop [po ako]. Nasa Advance 2 na po ako. Iyun po ang goal ko kasi I’m keep on singing and dancing. So, actually dream ko po talaga kasi wala pong ‘Guy Sarah [Geronimo]’ eh na parang who can act, sing, and can dance. So, hopefully iyun ang pangarap ko.” Sabi niya.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol kay Lance Edward, bisitahin siya sa kanyang Facebook page. Panoorin din siya sa kanyang video podcast na Free Lance sa Wow Very Good Live Facebook page every Wednesday at Thursday at 7 to 9 PM.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s