Aiko Melendez, mahirap ang ginampanang role sa pelikulang “Tell Me Your Dreams”

throy Catan
Ni: Throy Catan

tell me your dreams

INAMIN ng award-winning actress na si Aiko Melendez na mahirap gampanan ang role niya bilang isang guro sa bago niyang pelikulang “Tell Me Your Dreams” na dinerek ni Direk Anthony Herandez.

“Teacher ako rito and then makikita rito ang dedication ko bilang guro na ang dami kong pinagdaanan. Ilang bundok [ang inakyat ko]. Ilang ilog ang tinawid ko para makapagturo.” Deklara ni Aiko.

Sinabi rin ni Aiko na ito ang pinakamahirap na nagawa niyang role–both physically at emotionally–dahil malayo ito sa kanyang nakasanayan during the shoot, “Yes. [Nag-stay kami sa Tarlac for six days.] Ano kami, nag-immerge kami doon… Sobra. Hindi lang ilang ilog ang tinawid namin. Lakad kami. Ilang bundok na walang kuryente. Natutulog ako sa regular na kama… May parts na walang signal. May parts pa na bababa ka pa sa ilog just to get a clear signal.” Sabi ni Aiko

Kahit na mahirap ang pinagdaanan nila ay thankful pa rin sila na nakayanan nilang tapusin ang pelikula sa ganoong sitwasyon, “Nakaya ko, at masaya ako na nakaya ko.” Masayang sambit ni Aiko.

Ang pelikula ay hango sa totoong buhay ng isang guro na dedicated sa kanyang tungkulin bilang isang guro, at gagawin ang lahat para maturuan ng maayos ang mga Aeta sa Tarlac.

Kasama rin dito sina Perla Bautista, Aaron Lim, Tony Manalo, at at ang special guest na pagganap ng actor na  Raymond Cabral. Introducing Rose Galang na isa ring Aeta at supporting actress sa pelikula.

Mapapanood ang Tell Me Your Dreams sa Disyembre 5, ngayong Miyerkules, sa lahat ng sinehan ng Star Mall at Vista Mall.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s