Mga magulang ng Dengvaxia victims, nilabas ang saloobin sa mabagal ng proseso ng kaso; PAO Chief Persida Acosta, todo sa pagtulong

throy Catan
Ni: Throy Catan

MALUNGKOT na pasko ang sasalubong sa mga magulang ng mga nasawing bata dahil sa maling paggamit ng bakunang kilala sa pangalang Dengvaxia.

Umiiyak ang mga magulang habang kinukuwento nila ang huling araw ng kanilang mga anak pakatapos maturukan ng Dengvaxia, “Kami talagang biktima kami. Ako, iyung pamangkin ko, 11 days after vaccination namatay siya. 2016 palang naghihingi kami ng hustisya. 2016, hindi ako nagdalawang isip noong nalaman ko na may nago-autopsy na. Nalaman ko na si Atty. [Persida] Acosta. Siya ang tumutulong sa amin.” Iyak ng isang kamag-anak ng biktima.

Nilabas naman ng masamang saloobin ang isang ina tungkol sa pagkadismaya niya sa Department of Health (DOH). Anya: “Kasi po iyung DOH kung tutulong sila sa amin dapat nasa hospital pa lang iyung anak namin tinulungan na dapat nila kami. Sangayon, hindi kami magpapadala sa ligaw-ligaw ng DOH. Hindi po nila kayang bayaran ang buhay ng aming mga anak ng DOH. Sa totoo lang po, lalo na po sa akin, na tinulungan nila na walang paubaya sa akin. Hindi man lang ako kinausap. Nalaman ko na lang po na ang anak ko na patay na po. Ang sakit po bilang isang magulang.”

“Hanggang sa huling hinga ko po ay lalaban po kami. Kasama po namin si Chief Acosta. Sana po huwag nila kaming iwanan. Sa mga taga-PAO po, malaki po ay nagpapasalamat ko. Kung wala po kayo paano po kami mahihirap.” Dugtong niya.

Kasalukuyang pinaglalaban ng mga magulang at kamag-anak ng biktima ang nasabing kaso.

Inamin ni PAO Chief Persida Acosta na wala siyang planong tumakbo sa Senado dahil hindi pa raw tapos ang kanyang nasimulan, “Nakakapaglingkod naman ako sa PAO. Bakit kailangan ko pa maging senador? May trabaho naman ako, ‘di ba? Bakit ako lilipat eh hepe ako? Tapos dito totoo ang serbisyo.” Deklara ni PAO Chief

“Kapag senador, dapat gagawa ka ng batas. Kaya ko rin gumawa ng batas. Pero paano ang PAO? Paano iyung Dengvaxia [case] na iniwan ko?” Dugtong niya.

Ang CYD-TDV o mas kilala sa tawag na Dengvaxia ay dinevelope ng kilalang medical manufacturer na Sanofi Pasteur. Ito ay isang live recombinant tetravalent dengue vaccine kung saan pinipigilan ang pagdami ng Dengue virus. Ngayon ay ginagamit ito ngayon sa mahigit na 20 bansa na may malalang kaso ng dengue outbreak.

Naging kontrobersyal ang nasabing vaccine dahil sa sunud-sunod ng pagsawi ng mga bata pagkatapos maturukan nito noong 2017.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s